Chapter 69 Sobia's PoV “Nice wedding dress. Very nice. Ang galing mong pumili. Pati si Drei ko, pinili mo rin.” Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. “S-shobi—” nauutal kong bulong sa hangin. Nananaginip ba ako? Isang panaginip ang makasal kay Drei pero bakit parang nasa isang bangungot ako ngayon? “Who else? My dear twin sis? The last time I checked, kambal lang tayo, hindi tayo triplets. So, who else are you expecting?” Hindi pa rin ako maka-kilos. Ni hindi ko maigalaw ang leeg ko para kumpirmahin mismo ng dalawa kong mga mata na si Shobi nga ang kausap ko sa mga sandali na ito. “Akala. . . akala ko—” “What? Akala mo patay na 'ko? Are you expecting me to be dead? Well, hello, I'm alive. Alive and kicking, Sobia!” Nakataas ang kilay niya sa akin. Ayaw ko pa rin siyang lingu

