Chapter 14 SOBIA POV “Wife, pag hindi mo ako pinagbigyan, ako naman ang magkaka-sakit. Trust me, Wife. kung hindi mo maalala ang ginagawa natin sa basement, ipapa-alala ko sa’yo. I promise, you’ll enjoy this.” Ramdam ko ang init ng mga braso ni Drei habang buhat niya ako, pababa sa hagdan papunta sa library na naroon sa ground floor. Ano na naman ang balak ng lalaking ito? Talaga bang dadalhin niya na ako sa basement? Nanatili lang akong tahimik, pinipigilan ang kaba sa aking dibdib. Pagdating namin sa dulo ng library, huminto siya sa harap ng isang bookshelf.pinagmasdan kong maigi ang pagpindot niya ng isang bahagi ng shelf na parang hindi normal. Maybe a secret button for a secret passage. Biglang may narinig akong mahinang click, at bumukas ang isang secret door. “Drei, anong…” Hi

