Chapter 54 Sobia’s PoV “Ano pang hinihintay natin? Let's tell it to the world.” Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Drei at gusto ko iyon linawin. “Ipapakilala mo na ba ako bilang si Sobia?” Nawala ang masigla kong tinig at napansin niya iyon. “Of course. Ayaw mo ba?” “Hindi naman. Gusto ko nga kaya lang. . .” Matyaga niyang hinintay ang susunod kong sasabihin. Hinaplos haplos lang niya ako sa aking likod. “Hindi pa yata ako handa. Saka iniisip ko si Lira. Paano ko sasabihin na hindi ako ang totoo niyang ina.. Isa pa–” Huminga muna ako ng malalim, ang hirap sabihin nito sa harap ni Drei. “Drei, paano si—” “Si Chad?” Napasalubong ang kilay niya sabay ngisi. Alam kong kumukulo ang dugo niya kay Chad. Marinig lang niya ang pangalan ni Chad ay nag-iinit na agad ang ulo niya.

