Chapter 2

2591 Words
Jeff. Nagising ako dahil sa sobrang lamig na aking nadadama. Ano bang meron ba't sobrang lamig? Dinilat ko ang mata ko at kinapa-kapa ang kumot. Binalot ko sa katawan ko ang kumot at tinignan ang buong paligid. Kaya pala sobrang lamig, umuulan pala. Tatayo na sana ako nang may masagi ang mata ko na isang maliit na papel. Nakadikit ito sa may isang maliit na baso. Tumayo ako at kinuha ko ang papel na 'yon at binasa. "Good morning, Jeff. Nakatulog ka ba ng maayos? Sorry, hindi na 'ko nakapagpaalam sa'yo dahil ang himbing ng tulog mo. Maaga kasi trabaho ko, eh. Oo nga pala, thanks sa nangyari kagabi. Nag enjoy ako ng sobra. Til' next time, Jeff. Ingat! -Trish" Ilang sandali akong nakatingin sa papel na 'yon bago ko ma-realize ang nangyari kagabi. Parang may malamig na tubig ang unti-onting tumutulo sa mukha ko. Para akong tinakasan ng kaluluwa ko. Hindi ko maatim ang mga pangyayaring pilit na pumapasok sa utak ko. Hindi 'to maaari! Hindi totoong nangyari ang lahat ng 'to! Napahawak na lang ako sa ulo at pinagsasabunutan ang buhok ko sa sobrang gigil ko. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napaluhod habang unti-onting pumapatak ang aking mga luha. Napasuntok ako sa sahig habang sinisigaw ang pangalan ng babaeng 'yon. "Hindi pwedeng malaman ni Kathy ang nangyari sa amin ng babaeng 'yun. Dahil baka iwan niya ako at kamuhian ng sobra.." Kathy's POV Habang abala ako sa paghahanda ng almusal ay may biglang nag doorbell. Malamang si Jeff na 'yan. Nagpunas muna ako ng kamay bago buksan ang pinto. Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa'kin ang isang nakasimangot na mukha ni Jeff. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Bakit nakabusabos ang mukha ng hon ko?" Tanong ko sa kanya habang nakayakap pa rin. Inilayo ko ang sarili ko sa kanya kasi hindi siya sumagot sa tanong ko. "May problema ba, hon?" Tanong ko pa. Nakatingin lang siya sa'kin na animoy takang-taka sa mga kinikilos ko. "Hindi ka man lang ba magagalit sa'kin?" Takang-taka niyang tanong. "Magagalit? Bakit naman ako magagalit sa'yo? May ginawa ka bang kasalanan sa'kin?" Tinignan ko siya. Bakit siya biglang namutla? "Hon? Namumutla ka. May masama ka bang nararamdaman, ha? Tara na nga't pumasok ka na." Sabi ko bago ko siya hinawakan at inalalayan papasok. Pinaupo ko siya sa may dining area para makakain na. "Teka, ikukuha kita ng tubig." Sabi ko sabay pumunta ng ref. "Oh, uminom ka muna." Sabay abot ko sa kanya ng isang basong tubig. Kinuha naman niya ito at ininom. Umupo na rin ako upang sabay na kaming kumain. Ako na ang naglagay sa kanya ng kanin at ulam. Hindi kasi siya gumagalaw eh. Pagod nga siguro 'to. "Kain ka na, hon." Malumanay kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot at sinimulan na niyang kumain. Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya. Parang may mali talaga, eh. "Hon? May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Curious na tanong ko. Nakita kong bigla siyang nasamid ng marinig niya ang sinabi ko. "H-ha? H-hindi sina-sabi? Wa-wala ah." Nauutal niyang sagot. "Eh ba't kanina ka pa tahimik diyan?" Pang-uusisa ko pa. Nakita kong nag-iba ang itsura ng mukha niya. Kung kanina mukha siyang kinakabahan, ngayon ay seryosong seryoso na siya. "Pagod lang siguro ako." Tipid niyang sagot at pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Hindi na rin naman ako nag-usisa pa at kumain na lang din. Pagtapos naming kumain ay niligpit ko muna ang pinagkainan bago ako sumunod sa kwarto. Nauna kasi siyang pumasok. Pagpasok ko, nakita ko siyang hinuhubad ang polo niya kaya lumapit ako kaagad ako sa kanya. "Akina, hon. Ako na maghuhubad niyang polo mo." Sabi ko at akmang hahawakan ko sana ang polo niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko para pigilan. "'Wag na, kaya ko naman." Seryoso pa din niyang sabi. Ilang segundo akong napatulala.bago nakasagot. "O-okay." 'Yan na lang ang tanging nasabi ko. Hinayaan ko siyang maghubad mag-isa. Sanay kasi siyang natutulog ng naka-boxer short lang. "Sige na, hon. Matulog ka na. Alam kong masyado ka lang napagod kaya ka nagkakaganyan. Lalabas lang din muna ako. May bibilhin lang ako sa mall." Sabi ko sabay nilagyan siya ng kumot. Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at lumabas na 'ko ng kwarto. Pupunta ako ng mall para makapag relax ng konti. Masyado akong na-stress kagabi kakahintay sa kanya, tapos pag-uwi niya ganyan pa siya? Tsk. Jeff's POV Napaka-gago kong tao! Hindi ko dapat na ginanun si Kathy! Napakabait niyang tao para gawin ko 'to sa kanya. Anong gagawin ko? Hindi ko kayang hawakan siya kasi pakiramdam ko, napakarumi kong tao. Diring diri ako sa sarili ko. Kanina bago ako umuwi, sinabi ko sa sarili ko na kakalimutan ko ang lahat ng nangyari nung gabing 'yon. Pero.kanina, nang makita ko ng maamong mukha ng fiancee ko, hindi ko maiwasang makonsensya. Napaka walang kwenta kong lalaki, napaka walang kwenta kon tao! Anong dapat kong gawin? Bumawi sa pagkakamaling nagawa ko? Tama, ayun ang dapat kong gawin. Tumayo ako at nagbihis. Kailangan kong sorpresahin siya, dapat mapasaya ko siya para makabawi man lang ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Nagmadali kong bumaba ng sala upang maihanda ko ang mga kakailanganin ko sa pagluluto. Ipagluluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain. Wala akong pakialam kahit walang okasyon ngayon. Ang mahalaga ay ang mapasaya ko siya. Matapos kong maihanda ang lahat para sa mga lulutuin ko ay nagmadali ako lumabas ng bahay upang pumunta sa isang grocery. Bibili ako ng ibang kakailanganin ko. Sumakay na 'ko ng kotse ko at mabilis na pinaandar. Kailangan kong magmadali baka umuwi agad si Kathy eh. Nang makarating ako ay agad akong bumaba at pumasok ng grocery store. Kumuha ako ng isang malaking basket at nagmadaling kinuha ang mga kailangan ko. "Miss, pakibilis ang pag balot. Eto bayad, keep the change." Sabi ko sa cashier sabay kuha ng mga pinamili ko. Nagmadali akong sumakay ng kotse ko upang makauwi agad. Madami akong kailangan na iluto eh. Nang makarating ako ng bahay ay tinawagan ko agad si Jerome upang magpatulong. Baka kasi hindi ko matapos lahat ng 'to bago dumating si Kathy eh. Pagpunta ko ng kusina ay agad akong nagsalang ng tubig sa kalan para sa gagawin kong spaghetti. Hinugasan ko na rin ang mga ingredients para mahiwa na agad. Habang abala ako sa paghihiwa ay may biglang nag doorbell. Malamang si Jerome na 'yan. "Pasok!!" Sigaw ko. Bukas naman ang pinto kaya makakapasok siya kahit hindi ko na siya pagbuksan ng pinto. "Woooh! Pare! Ang dami naman nito. Anong meron, ha?" Tanong niya sa'kin nang makarating siya dito sa kusina. "Walang okasyon, pare. Gusto ko lang na sorpresahin si Kathy." Sagot ko habang abala pa rin sa paghihiwa. "Aba, ang good boy, mukhang may ginawang kalokohan ah?" Automatic na napatingin ako sa kanya nang marinig ko 'yon pero agad ko ring binaling ang tingin ko sa hinihiwa kong carrots. "Tulungan mo na lang ako dito, pare." 'Yan na lang ang nasabi ko sa.kanya. Ayoko ring pati tropa ko, malaman ang ginawa kong kagaguhan. "Okay.." Sagot niya. Naghugas muna siya ng kamay bago humawak ng mga ingredients at tinulungan ako. -- Makalipas ang ilang oras ay ready na ang lahat. Nakalagay na lahat ng mga nilutong pagkain sa lamesa. Syempre nilagyan din namin ng design para magandang tignan. Naglagay din ako ng mga petals sa dadaanan niya para romantic. Actually, si Jerome ang nakaisip nito. Kahit na medyo baduy ay pumayag na 'ko. Gusto rin kasi ni Kathy ng mga bulaklak. Nandito lang ako sa may sala mag-isa, umalis na kasi si Jerome pagtapos naming matapos lahat. May pupuntahan pa raw siya eh. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Mag aalas tres na ng hapon, ah? Bakit wala pa kaya 'yun? Ahh, alam ko na! Bright idea! Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya. Lumunok lunok pa 'ko para ayusin ang boses ko. Magpapanggap kasi akong may masakit na nararamdaman para umuwi agad siya. "Hello, honey?" Malumanay na bungad ko. Pinakiramdaman ko ang kabilang linya pero walang sumasagot. "Hon? Pwede ka bang umuwi na ngayon? Para kasi akong hihima..ta..yin-" Sabay baba ko ng tawag. Galing ko umarte! Woooh! Haha! Nagmadali akong pumunta sa may switch ng ilaw upang patayin ito. Sosorpresahin ko siya sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap. Dumaan ang ilang minuto ay hindi pa rin siya dumadating. Hindi kaya.. hindi 'yun naniwala sa'kin at galit- Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ng malakas ang pinto. Napatago tuloy ako sa likod ng upuan ng dioras. Sinilip ko kung sino 'yung dumating, si Kathy na pala. Kita ko siya dahil sa liwanag na nanggagaling mula sa labas ng pinto. Hmm, bakit nakatayo lang siya dun? "Psst!" Sitsit ko sa kanya. Nakita kong napalingon siya sa gawi ko kaya nagtago ulit ako. "Jeff, hindi ako natutuwa sa trip mo, ah!" Sigaw niya. Sumilip ulit ako. Naglakad siya papunta sa may sala kaya naman nagmadali na akong tumakbo upang yakapin siya patalikod. "'Wag kang gagalaw. Kundi masasaktan ka." Bulong ko sa kanya. Tatakutin ko lang. Haha! Naramdaman kong nanginginig ang mga braso niya. "Tumayo ka lang diyan at 'wag kang gagalaw." Bulong ko pa sa kanya. Nagmadali na 'kong pumunta sa switch ng ilaw upang buksan ito. Pag bukas ko agad akong tumakbo papunta sa kanya at sumigaw ng.. "Surprise!" "Na-surprise ka ba, hon?" Sincere na tanong ko. Hindi siya sumagot at niyakap ako mahigpit. "Nakakainis ka talaga kahit kailan! Akala ko galit ka talaga sa'kin, eh! Nagkunwari ka lang pala na galit para sorpresahin ako. I hate you!" Sabi niya habang panay ang hampas sa dibdib ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay para patigilin siya. Hinarap ko siya sa'kin at pinunasan ko ang mga luha sa kanyang pisngi. "I'm sorry, hon. Hindi ko sinasadyang magsungit sa'yo kanina. Sadyang pagod lang talaga ako sa trabaho kaya siguro naging ganun ako." "Alam ko naman 'yun, eh. Hindi lang talaga ako sanay na ganun ka sa'kin. Sinabi naman sa'kin ni Zed na dun ka natulog sa kanila. Tumawag kasi ako sa kanya kaninang umaga ang sabi niya ay nandun ka daw kaya natulog na 'ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi siya nagalit na inumaga na ko nang uwi. Pero buti na lang kay Zed siya nag tanong dahil kung sa ibang tropa ko ay baka kung anu-ano na pinagsasabi nung mga 'yun. "A-ah ganun ba? So, okay na tayo?" Tanong ko. Tumungo siya bilang sagot niya. Ngumiti ako at mabilis siyang hinalikan. It was one of my favorite kiss I've ever did. "I love you, hon." Mahina kong bigkas between our kiss. "I love you too." Sagot niya sabay niyakap ko siya ng mahigpit. "Tara, hon. Kain na tayo." Pag-aya ko sa kanya. Inalalayan ko siya patungong dining area. "Wow, may mga petals pa ah. Very romantic hon." Kumento niya habang naglalakad kami. Ngumiti lang ako at hinawakan ang kamay niya. "Have a sit, hon." Sabay usog ko ng upuan, "Thanks." Tipid niyang sagot. Umupo na rin ako. Ngayon magkaharap na kami. "Let's eat." Panimula ko. "Sure. Gutom na rin ako eh. Haha!" Sagot niya at tumawa ng bahagya. "Tsk. Haha! Anong gustong kainin ng hon-hon?" Ngumisi ako dahil alam kong mahihirapan 'yan pumili. Haha! "A-ah, ehh. Pwedeng lahat tikman?" Nahihiyang sabi niya. Sabi ko na, eh. Iyan ang sasabihin niya. "Alam ko naman, hon. Lahat 'yan favorite mo eh. Haha!" Tumayo na 'ko upang lagyan siya ng pagkaen sa plato niya. Nag lagay na rin ako nang sa'kin. "How's the taste?" Tanong ko. "Hmm, it taste like heaven. Napakasarap mo talagang magluto, hon. Bakit di ka mag chef?" Hindi ko alam kung natatawa akono hindi sa sinabi niya eh. "Psh. Nangbola pa. Alam ko namang magaling akong magluto, eh. 'Wag mo ng ipagsabi pa. Haha!" "Woooh! Bakit biglang humangin?" Pangbabara niya. "Ewan ko nga din eh. Wala namang electric fan, ah?" Ngumiti ako ng nakakaloko. Sinakyan ko kasi ang trip niya. Haha! "Ayan ka na naman sa pagiging piloposo mo, hon." Pagpuna niya sa'kin. "Joke lang, hon. Tara kumain na muna tayo." Sabi ko. Baka kasi hindi kami matapos kumain eh. Haha! Hindi na rin naman siya sumagot pa at kumain na lang din. Hay.. buti naman at ayos na kami. "Nag enjoy ka ba sa foods?" Tanong ko pagtapos naming kumain. "Yes, hon. You're the best!" Sagot niya sabay nag thumbs up pa. "Tsk. Bolera ka rin eh no?" Tanong ko. Tumayo siya at niyakap ako mula sa likod. "Hindi, hon. Promise, sobrang sarap po talaga." Sagot niya. Hindi ko alam pero parang ang sexy ng boses niya. Hindi ako sumagot dahil kinalibutan ako. Tumayo ako at niligpit na ang pinagkainan namin. "Hon? There's anything wrong?" Tanong niya. "H-ha? Wa-wala ah. Ililigpit ko lang 'tong pinagkainan natin." Palusot ko. s**t! Ano bang nangyayari sa'kin? Nang matapos ako sa pagliligpit ay biglang namatay ang ilaw kaya napatingin ako sa gawi ni Kathy. Hindi ko siya makita sa sobrang dilim. Maya-maya pa ay may bigla akong nadinig na kis-kis ng lighter. Automatic akong napatingin sa pinanggagalingan ng tunog na 'yon. Nakita ko si Kathy na may hawak na isang maliit na kandila at isang lighter. Teka, saan galing 'yung mga 'yun? Tinignan ko lang siyang maglakad sa paligid nitong kusina. May sinisindihan siyang kandila sa bawat sulok nitong kusina. Nagulat ako, as in gulat na gulat. Siya naglagay ng lahat ng 'yan? Nang matapos niyang sindihan ang lahat ng kandila ay bigla siyang tumungtong sa taas ng lamesa at nagsimulang tanggalin ang mga saplot sa kanyang katawan. Habang tinitignan ko siya, hindi ko mapigilang makaramdam ng init sa katawan. Ibang iba ang itsura niya ngayon. Napaka-daring niya. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Ako namang 'tong lumapit na nakabukas ang bibig. "Are you ready, honey?" Mahina niyang tanong. Hindi ko alam pero bigla na lang gumalaw ang ulo ko at tumungo ito. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang na naglapat ang mga labi naming dalawa. Nung una ay gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyayari pero kalaunan ay napagtanto ko rin ang gusto niyang mangyari. Mabilis kong hinawakan ang ulo niya at hinagkan ang kanyang mga labi. Para akong isang gutom na gutom na tigre na gustong kumain ng tao. Inihiga ko siya sa may gitna ng lamesa at mabilis akong umibabaw upang halikan siya. Habang hinahalikan ko siya ay walang tigil naman ang aking mga kamay sa pagtanggal ng aking mga saplot. Hanggang sa mahubad ko ang lahat ng saplot sa aking katawan. Tinignan ko siya na ngayon ay nakahiga pa rin sa lamesa. Para siyang isang prutas na naghihintay na kainin. I just suck her breast and cupped the other one. Tanging ang pag-ungol niya lang ang aking naririnig na tila isang magandang awit na patuloy na tumutugtog sa aking tenga. "You're so sexy, hon." Bulong ko sa kanya sabay hinalikan ko ang kanyang earlobe. "A-ahh, hon! It feels so good. Go on please." Bigkas niya habang patuloy pa rin ako sa paghalik sa kanya. Unti-onti kong ibinaba ang kanyang undies. Bahagya akong tumayo upang tignan siya. Ngumisi ako at iniikot-ikot ko ang kanya panty sa kamay ko na tila isang bata. "Hon! What are you doing?!" Sigaw niya. She looks pissed. Hahaha! Inihagis ko ang kanyang panty sa kung saan at lumuhod upang halikan siya sa kanyang tiyan. "This perfect body is exclusive only for me." I just said it with full of authority. She noded, so I started to do my job. p
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD