Chapter 24 Third Person's POV Habang nag-iinom mag-isa si Zed sa isang bar ay may nakita siyang isang babae sa di kalayuan mula sa kinaroroonan niya. Pamilyar ang mukha nito. Naka-side view kaya hindi niya masyadong maaninag ang itsura nito. Ibinaba niya ang hawak na baso atsaka dahan-dahan na naglakad papunta sa pwesto nung babae. "Trish?" hindi makapaniwalang saad nito nang makita ang babae. Agad nitong kinuha ang hawak na basong may lamang alak. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" asik nito. Tinignan lang siya nito na may weirdong ngiti. "Halika at ihahatid na kita--" "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?!" iritado nitong tanong. Medyo may tama na ito ng alak. Halata sa pananalita nito. "Ako ang dapat na nagtatanong niyan sa 'yo! Alam mo bang masama sa bata 'yang ginagawa mo

