Chapter 22

965 Words

Chapter 22 Third Person's POV Naging isang madilim ang bawat araw na nagdaan para sa mag-asawa. Hindi maintindihan ni Kathy ang kinikilos ng asawa. Bawat araw na dumaan, palagi na lang itong balisa, wala sa sarili. Kapag tinatanong niya ito kung anong problema, umiiwas lang ito sa tanong o 'di kaya'y bigla na lang umaalis ng walang pasabi. Malalim na ang gabi ngunit wala pa rin si Jeff. Hindi mapakali si Kathy. Pakiramdam niya ay may masamang nangyari sa kanyang asawa. Kinuha niya ang jacket na nakasabit sa cabinet at sinuot ito bago lumabas kwartong iyon. Agad niyang dinukot ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang short at mabilis nitong tinawagan si Jeff. Makaraan lang ng ilang pagtunog, may sumagot na dito. "Hon? Asan ka? Ayos ka lang?" mabilis at sunod-sunod na tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD