CHAPTER 7

1979 Words
CHAPTER 7 “ Why are you late? Malamig pa sa yelo ang pagkain na kanina pa nag hihintay sa'yo. ” Atlas coldly said. Napalunok ako at bigla dumagok ang kaba sa'aking dibdib. It's 6pm at ngayon lang ako naka uwi. “ Hindi ba't sinabi ko sa'yo! H'wag na h'wag kang uuwi ng gabi. Tell me who's with you? May lalaki ka ba ha! ” May mga diin niyang sabi at lumapit saakin. “ I'm asking you Piper Sage! Bakit ngayon ka lang?!” He repeated loudly kaya’t napa atras ako. This is what I'm talking about kapag nagalit ang isang Atlas. “ H- Hindi ako pinauwi agad ng mga kaibigan ko. Sabi ni Fiona mamasyal pa raw kami kahit saglit pa kasi minsan lang kami mag kita kita ng buo.” Nanginginig kong usal. He step closer to me. Para bang ang bigat sa aking pakiramdam ng bawat hakbang niya. Naka tungo ako at marahan na napapa urong paatras ang aking mga paa. Mas nasindak ako ng tuluyan na niya akong maabot. Mula sa aking tapat ay hinawakan niya ang aking braso sabay higit palapit sakanya at niyakap ako ng mahigpit. Bagay na kinagulat ng buong sistema ko. Isn't he's mad? Why he's embracing me right now? What's the matter? What had just happened? “ Why you didn't call nor texted me baby? I'm fcking worried about you. Akala ko hindi ka na uuwi.” Malambing pa niyang sabi. I sigh heavily and hug him back. He starts to snob on my shoulder. “ A- Atlas? Ayos ka lang ba mahal? Anong sinasabi mong hindi na ako uuwi? Of course I'll go home here, dito ang bahay ko at asawa kita.” I caresses his back and he hug me even more tight. “ Nothing, I'm okay baby. Nag alala lang ako and I miss you so bad. ” Teka... Bakit hindi na siya galit? Bakit ang lambing niya ata? Instead of being mad at me cause I didn't head home early, he's now being clingy. Why things are becoming weird lately? “ Have you eaten? ” Umangat siya bago ay umiling. I smiled at him and wipe his tears. “ Let's eat, iinit ko muna ang mga pagkain.” Ani ko at mabilis siyang hinalikan sa labi. Tumango naman siya at hinayaan akong initin ang mga pagkain. “ I cooked it all. Where's my present? Hindi mo ba ako binilhan ng pasalubong?” I chuckled at him. Nilapag ko ang pagkain na hawak ko sa mesa at kinuha ang paper bag na dala ko. Lumapit ako sa naka upo na si Atlas. “ Here's your present Mayor. I hope you like it.” He's eyes shines when he saw what I buy for him. He love mini stuff toys ang dami nga niyang collection. Nabanggit niya na mahilig din sa ganito ang kapatid niyang inilayo sakanya. Ampon lang ng mga Atienza si Atlas at nagka hiwalay sila ng kanyang bunsong kapatid dahil nauna siyang ampunin. Ng balikan ng mga taong umampon sakanya ang kanyang kapatid sa bahay ampunan ay wala na ito don. Tumakas daw ito upang hanapin ang kanyang kuya. That's the saddest part of his life. At ng maging successful siya ay muli niyang hinanap ang kanyang kapatid ngunit, ang nakuha niyang impormasyon ay pumanaw na ang kanyang bunsong kapatid. Palagi nga nitong dinadalaw tuwing mag kakatapusan ng buwan ang puntod ng kanyang kapatid at ang tumayong tatay nito na pumanaw na rin. Dinadalaw din niya minsan ang tumayong ina ng kanyang kapatid na kumopkop sakanya. Buhay pa ito ngunit may malubhang karamdaman. Nag papasalamat si Atlas dahil kahit hindi nila kaano ano ang kapatid niya ay binigyan nila ito ng maayos na buhay kahit pa maaga itong nawala sa mundo. May sakit kasi sa puso ang kanyang kapatid bata pa lang ay dinadamdam na ito kaya't siguro ito maagang pumanaw. Lumipas ang gabi na hindi nga kami nag talo ni Atlas. Nakaka panibago man pero mabuti na rin na ganon siya. Masarap sa pakiramdam ‘yong hindi siya nagagalit saakin at palagi siyang sweet. “ Baby tie this please. Kanina pa ito naiinis na ako.” Binaba ko ang blower bago lumapit kay Atlas. Mabilis talaga siyang mainis, hindi siya marunong mag tali ng necktie palaging hiwit o hindi kaya’y maraming buhol. Tinuturuan ko naman siya pero hindi pa rin siya matuto. “ Are you done yet?” He asked. “ Hindi pa. Mag bibihis na lang naman ako. Wait me downstairs baby.” He nod at me. It's Sunday at tulad ng sabi ko ay mag sisimba kami. Wala siyang pasok ngayon at sarado rin ang munisipyo. “ Let's go malapit ng mag simula ang misa.” He held my hands at sabay kaming pumunta ng simbahan. The mass was peaceful tulad ng inaasahan ko. Maraming tao ang dumalo kumpara ng mga nakaraang linggo ng hindi pa si Father Atticus ang pari. Nandito rin sa unahan ng dalawa kong halipar0t na kaibigan. Sabi nga nila they will never missed every mass kasi isang gwapong nilalang ang mangangaral. Talaga namang marami ang nag simba at nakinig ng misa. Nasa parte na kami na pipila na para sa banal na ostia magkasunod kami ni Atlas nasa huli ko siya. Sa line namin si Father Atticus ang mag susubo nito. Malapit na ako at bulta- bultahe na kaba na naman ang nararamdaman ko. Ngumiti si Father Atticus saakin ng ako na ang nasa harapan niya. “ Katawan ni Kristo?” Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Para bang napipi ako sa mga sandaling ito. “ Katawan ni Kristo?” Ulit niya nabalik ako sa ulirat ng tapikin ako ni Atlas. “ A- Amen.” Nauutal ko pang bigkas bago niya isubo ang ostia at umalis na ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na hinintay si Atlas. Bumalik ako sa aming upuan at lumuhod. Imbis na panalangin ang aking hilingin ay pag suway ko sa sarili ko ang aking naisip. Tinanong ko sa Diyos kung bakit ako nag kakaganito. Kung may problema ba ako sa pag iisip. Bakit ba ako nahuhumaling sa kanyang taga silbi. Taimtim akong naka luhod at walang panalangin o hiling ang sumagi sa'aking isipan. Naramdaman ko ang presensya ni Atlas sa'aking tabi. Lumuhod siya at akala ko ay mananalangin. Ganon na lang muli ang pag dagsa ng aming kaba at ang pamumuo ng aking malamig na pawis. “ May pagnanasa ka ba kay Father Atticus?” Mahinang tanong niya kaya naman mariin pa akong napa pikit. Huminga siya ng malalim at nag sign of the cross. Taimtim na siyang nanalangin at humiling hindi na siya nag tanong muli. Hindi ako kumibo hanggang sa matapos ang misa. Ang ibang tao ay umalis na ang iba ay nag b- bless pa kay Father at sa mga kasamahan niyang matatanda. Ng kakaunti na lang ang tao ay lumapit kami ni Atlas sakanya. Naka ngiti pa rin si Father para bang napaka saya niya palagi sa araw araw. Natanong ko tuloy ang sarili ko ... Ganyan ba talaga kapag taga silbi ng Diyos? Masaya palagi at tila ba wala silang dinadalang problema? Sabagay wala naman pala silang pamilya o kasintahan kaya marahil ay wala silang gaanong stress sa buhay. Masaya talaga siguro sila na mag silbi sa Diyos at mag hatid ng mabuting balita at mangaral sa mga tao. “ Father magandang umaga po. ” Bati ni Atlas sa pari. “ Magandang umaga rin Mayor. May maipag lilingkod ba ako sainyong mag asawa? ” “ Wala naman po. Pormal po talaga kaming pumunta rito para mag pasalamat. Maraming salamat po sa pag tulong sa asawa kong si Piper baka kung wala kayo ay kung ano ng masamang nangyare sakanya. ” Hindi talaga siya nakakalimot tumanaw ng utang na loob sa kapwa. Hindi man siya ang tinulungan ay heto at nag papasalamat siya ng taos puso. “ Wala iyon Mayor. Karangalan ko ang tumulong sa mga nangangailangan. Kahit sino naman ay gagawin ko 'yon. ” “ May gusto po ba kayong pabor o ano mang kapalit? ” Ito nga lang ang ugali ni Atlas kapag nag papasalamat dahil sa tulong tatanungin ka naman agad kung anong gusto mong kapalit. Minsan ang dating tuloy nito ay para niyang binili o binayaran ang kusang loob na tulong ng isang tao. “ Ah, Wala naman po Mayor. Bilang isa tao hindi ako nag hihintay ng ibang kapalit. ” May pagka humble na sabi ni Father. “ Paano naman po kung bilang isang pari? ” Ani Atlas at pareho silang natawa ni Father Atticus. “ Maupo muna tayo Mayor at ating pag usapan ang bagay na 'yan.” Ah, ibang usapan pala kapag bilang normal na tao lang at bilang may propisyon. “ Yaman din lang at maypagka mapilit Mayor Atlas. May gaganapin kaming event ngayong huwebes medyo kulang ang sponsors para sa simbahan at sa mga batang nasa bahay ampunan. Kung mataba ang iyong puso at maluwag ang iyong bulsa, baka nais mong mag bigay donasyon at dumalo sa gaganaping event. ” Totoo ba talaga ang sabi sabi na mahilig sa mga pa donation ang mga pari? Parang oo pero siguro ay may magandang pinupuntahan naman iyon tulad ng sa mga orphanage at sa kumbento. “ Si Father naman. ‘yon lang po ba? Walang problema. Mag do- donate kaming mag asawa. Si Piper din kasi ang isa sa sponsor ng mga bata. Malapit kasi siya sa mga bata gusto na rin kasi namin talaga magka anak. ” Mapait na naman ang aking ngiti sa labi. Hinawakan ni Atlas ang aking kamay at hinalikan niya ang likod ng aking palad. “ Atlas mag tigil ka. ” Mahinang suway ko sakanya. “ Mahiyain pala talaga itong asawa mo Mayor.” “ Hindi lang sanay Father. ” Singit ko. “ Bakit hindi kayo bumuo? Kahit ilang dosena naman ay kayang kaya ninyong suportahan. ” “ Problema nga lang po Father e hindi talaga kami maka buo. Baka hindi pa namin panahon. Ayaw pa kaming biyayaan ng panginoon kaya't palagi kaming nag sisimba at nananalangin sakanya na biyayaan kami ng anak. ” Bakas ang lungkot at pananabik sa boses ni Atlas. Kahit ako rin ang nanghihinayang na sa ilang taon namin pag sasama magpa hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak. “ Baka naman isa sainyo ay mag problema. Nasubukan n'yo na bang magpa tingin sa doctor? ” “ Hindi pa Father. Natatakot ako sa magiging resulta baka nga ganon. Mahirap tanggapin ‘yon lalo na sa side ni Piper. Inuuna ko kasi palagi ang mararamdaman niya. ” He's really a good man. Kaya ano mang pilit ko sakanya ay ayaw talaga niyang pumayag na magpa tingin kami sa doctor. Baka raw hindi namin matanggap ang magiging resulta at masaktan lang. Hindi niya nais na mastress ako o mag isip ng kung ano ano pa. “ Ayaw n'yo ba mag ampon na lang? ” “ Mas masarap at masaya sana kung sariling laman at dugo namin Father. ” Mas mainam naman talaga kung ganon. Sabik na magka anak si Atlas madalas din kung kulitin siya ng kanyang ama na mag subok sa ibang babae baka maka buo at kung maka buo man ay kukunin niya ang bata at bibigyan na lang ng pera ang nanay nito. Masakit iyon sa parte ko ng marinig ko ang usapan nilang mag ama. Pero hindi pumayag si Atlas. At magpa hanggang ngayon ay heto at nag hihintay kami na baka sakaling magkaroon ng himala at mabiyayaan kami ng supling. Natatakot lang ako baka balang araw— baka balang araw ay pumayag si Atlas sa suhes'yon ng kanyang ama para lang magkaroon siya ng matatawag na sariling anak na kanyang laman at dugo. Baka kapag nangyare ‘yon ay biglang maging magulo ang relasyon namin. H’wag naman sana kasi ako man ay pilit pinipigilan ang sarili kong h'wag magkasala sa aking asawa. Labag iyon sa sampung utos ng Diyos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD