CHAPTER 20 Malabo ang aking paningin ng buksan ko ang aking mata. Purong puti ang aking nakikita. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Warm na naka tulog na sa couch habang si Atlas naman ay wala pa rin talaga. Muli akong naka tulog at nagising ng marinig ko ang biglang pag bukas ng pinto. Humahangos si Atlas na tumakbo palapit sa kinahihigaan ko. Lumuhod ito at agad na hinawakan ang aking kamay at nilagay niya ito sa kanyang pisnge. “ Sorry ngayon lang ako. Patawarin mo ako Mahal kung naging abala ako at nawalan ng sapat na oras sa'yo. Patawad kung hindi na kita gaanong naaalagaan. ” Tumulo agad ang kanyang luha bumangon ako at naupo sa kama. “ Ano bang pinag sasasabi mo Atlas? Ayos lang naman ako. Sya nga pala lagyan mo ng kumot si Warm mukhang nilalamig na. ” Mabilis siya

