CHAPTER 9 “ Bakit tahimik ka? ” Napukaw ako sa tanong na iyon ni Father Atticus. Huwebes at nandito ako ngayon sa bahay ampunan. Wala si Atlas dahil may mahalagang bahay itong nilakad. Pinasamahan na lang niya ako kay Nyx ngunit ang babaeng iyon ay hindi ko alam kung darating pa ba. “ W-Wala naman po Father. May iniisip lang. ” Sagot ko. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko na s'yang kina-gulat ko. Naramdaman ko na naman ang kuryenteng hatid ng kanyang kamay. “ Kung may dinadala kang problema Hija, maaari mo naman sabihin sa'akin. Handa akong makinig at payuhan ka. Sabihin mo lang nandito ako. ” Mabuti pa siya. Ito ngang iniisip ko hindi ko masabi sabi kay Atlas. Palagi na lang siyang abala. Huminga ako ng malalim at binawi ang aking kamay kay Father. “ Ayos lang po ako. Napapa-

