CHAPTER 38 Malayo ang aking tingin. Nasa grotto ako ngayon ng simbahan at nasa stroller ang aking anak na si Argus. Umalis si Atlas kanina kahit pa nasa kalagitnaan ng misa. Linggo ngayon at nag aya siyang mag simba. May takot pa pala sa diyos ang asawa kong d3mony*. “ Mommy you're here. ” Agad akong napukaw kay Kenzie. Hindi ko inaasahan na narito siya ngayon sa simbahan. “ Anak. Halika nga rito yakapin mo si mommy.” Ani ko sa aking munting anghel. Binigyan niya ako ng isang yakap na mahigpit bago niya halikan ang aking pisnge. “ Namiss po kita mommy. Ito na po ba ang aking bunsong kapatid? ” Agad akong tumango sa aking anak. Hinaplos ko ang mahaba niyang buhok at pinantayan siya. “ Yes. He's your little brother. Siya si Argus Atienza. ” Napa simangot ang anak kong si Kenzie...

