Pagtakas ni Saniya

524 Words
   Nang imulat ko ang aking mga mata ay narito parin kami sa jeep at narito parin ang mga nilalang na nais akong kunin. ^oh, gising kana pala Saniya, konting tiis na lamang ang makakarating na din tayo sa aming palasyo. Alam kong magugustuhan mo roon... wika ni Ari na may ngiti sa labi na animo ay tuwang-tuwa sa mga pangyayari. Ano bang mapapala ko roon, mayroon ba kayong mga chichirya ha, yung mga maalat na pagkain.Gusto ko ng mga iyon, ayaw ko ng mga matatabang na pagkain. Sa isip-isip ni Saniya ay sinubukan niyang gawin ang naalala na habilin sa kaniya ng kanyang Lola sa tuwing makakatagpo ng mga engkanto. Sa sinabi na iyon ni Saniya ay biglang nag-iba ang mukha ni Awu tila ba naririndi ito sa mga sinasabi niya. OH, ano mayroon ba akyong ganoong pagkain sa palasyo niyo. Ay, teka nga pala mayroon akong chichirya ddito sa bag ko. Gusto niyo? Masarap to. Hindi mo kami madadala sa mga panlilinlang mo, nakikita mo ba ang malaking puno na iyon. Iyon na ang aming kaharian kaya maghanda kana Prinsesa... wika ni Awu. Sa isip-isip ni Saniya, bakit hindi tumalab? Hindi ba totoo yung sinabi nii Lola. Ano ba yan, ano nang gagawin ko.  Dahil sa pagkatakot ay halos lumabas na ang puso ni Saniya, isang paraan an lamang ang naiisip niya ang tumalon mula sa jeep kaysa naman sumama sa mga nilalang na ito. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Saniya, hinagis niya sa mukha ng mga nilalang ang bukas na chichirya, at walang sabing tuamalon mula sa jeep bago paman nakararing ang jeep sa b****a ng malaking kahoy. Habang sa pagkahulog mula sa jeep damang- damang niya ang magagaspang na sementong tumatama sa kanyang tuhod at siko. Para siyang kinukudkud sa sakit, nagpagulong-gulong siya sa kalsada at pagdilat ng kanyang mga mata puting ilaw ang kanyang nakita at biglang dumilim ang kanayang paligid. Tatlong araw ang lumipas... Pagdilat ko sa aking mga mata puting kisame ang tumambad sa akin, nilingon ko ang aking paligid at nakita ko si nanay at tatay sa tabi ko. Totoo ba ito? Nakaligtas ba ako?  May babaeng iniluwa sa pintuan. *Mabuti naman iha at ligtas kana, akala namin napuruhan ka eh. Ano bang nangyari sa iyo anak ha? tanong ni tatay. At kwenento ko lahat sa kanila. Nang kwenento ko ito, may ilang hindi naniwala. Sabagay, hindi naman talaga kapani-paniwala ang mga pangyayaring nasaksikan ko kasi tanging ako lang naman ang may alam nito at alam ko sa sarili kahit anong mangyari ay nakatatak na ito sa aking isipan at ala-ala. Nang makalabas ako sa hospita ay hatid- sundo na ako ni tatay o di kaya ng kuya ko at nang nakaluwag-luwag kami ay luamapit kami sa may bayan para raw malimutan ko ang pangyayaring iyon. Back to present... Nakakatakot naman ng karanasan mo ga, siguro kung ako yun nabaliw na ako.wika ni Rhea. Oh, siya matulog na ulit tayo, exam paa naman natin bukas... wika ko pero bago ko ipinikit ang aking mata tumingn muna ako sa labas ng aking bintana na baon ang luwag sa na aking nadama matapos kong isalaysay ang aking karanasang ako lang ang may alam at kaylan may nakatatak na sa aking isipan.# KATAPUSAN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD