CATHERINE "Maganda nga dito ang baho naman ng lugar, amoy patay" nandiriring komento ni Kyll habang nakatakip ang kamay sa ilong. "Oh suotin mo hindi ka kase kumuha kanina eh, panay tingin sa mga lalaki" sabay irap sa kanya ni Coax. "Tse inggit ka lang gurl, mas maganda kase ako sayo" sabay flip pa ng invisible buhok nito. Natawa naman kami sa kalokohan nila. "Ay weh, ikaw maganda? Saan banda 'teh?" "Dito oh" sabay tap niya sa sariling baba. Umakting naman na nandidiri 'yung isa at inambahan siya ni Kyll ng sapak. "Guys tama na 'yan bumalik na kayo sa Coaster magga-gabi na" biglang dating ni kuya. Pagkapasok sa van naamoy namin ang mga bagong lutong pagkain. Napag desisyonan kase naming mag Samgyupsal sa loob. Nagdala kami ng 3 in 1 na griller at hotpot. May nakasalang rin na pagkai

