ASTRALLA "Astralla hoy gising na aba! Baka ma-late kayo ng asawa mo. Pasukan na pasukan tatamad tamad" sigaw ni kuya habang kinakalabog ang pintuan. Naiiritang nagtalukbong ako ng kumot. Ang totoo niyan kanina pa ako naka ready kaso bigla ako tinamad kaya ayoko na tuloy pumasok. Mas gusto ko pa humilata sa kama kesa gawin ang misyon namin sa university. Nakaka walang gana talaga pumasok sa univ na 'yun. Hindi na ako muling kinatok pa ni kuya at narinig ko na lamang ang mga yabag nito paalis. Mabuti naman hindi na niya ako pinilit pa pero akala ko lang pala iyon, maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. "Kuya naman ilang beses ko ba sinabi sayo tinatamad ako pumasok, pwede bang iwanan niyo na lang ako dito!" inis na sigaw ko ngunit wala ako nakuhang kahit anong sagot sa ka

