Chapter 16

1897 Words
ASTRALLA Nagising ako bandang alas sais ng gabi. Grabe ang haba pala ng tulog ko. Napatingin ako sa katabi ko na ang himbing pa rin ng tulog. Hinaplos ko ang makinis nitong mukha, ang sarap niya pagmasdan. Dinig ko ang mahina nitong paghilik. Napatihaya naman ito kaya bigla ako umatras ng bahagya. Akala ko nagising ko siya. Bakit ang ganda niya pa rin kahit tulog? Mas maamo lang ang mukha. Lumapit ako sa kanya at pumaibabaw para yakapin. Nilalamig ako eh, hanap ka din jowa para may yayakapin ka kapag lumamig, joke. Halata ang pagka puyat sa lalim ng eye bags nito. "Love ang bigat mo" husky voice niyang sabi. Hindi ko alam kung nagising ko siya or nagpanggap lang na tulog kanina. "Mabigat ka diyan, ang sexy ko kaya!" tumawa lang ito ng mahina. Mas sexy kaya ako sa babaeng 'toh, pwede kaya siyang sampalin? Yumakap ito pabalik at ipinulupot pa ang mga hita sa bewang ko. Sana hindi siya magbago lalo na kapag nasa mission na kami. Kailangan walang maghinala na mag-asawa kami hindi pwedeng mabulilyaso ang plano. Plano din namin bukas after magpa sukat at mamili ng style and design ng gowns namin pupunta sa private hospital na pag mamay-ari ni tito kanluran at tita araw para magpa-freeze ng egg cell for the future purposes. Aasikasuhin na rin namin ang mga papeles para sa kasal. Kakausapin pa namin ang malapit na kaibigan ni lolo na siyang magkakasal samin pagkarating ng states. Magpapasok na din kami ng mga tauhan na kunwaring nagttrabaho sa papasukang university. Kailangan nilang mauna doon at maisend ang blue print nito para madaling malaman ang mga pasikot-sikot sa loob. Sisimulan na din ang pag-iimbestiga sa J.S.U, maglalagay na rin ng invisible hidden camera sa loob at labas nito at bawat sulok. Kasama na rin ang audio nito, magdadag-dag din ng mga tauhan na itatalaga sa control room para may malamang impormasyon. Mamaya mag-uupdate ang mga istudyanteng tauhan sa conference room. Sila 'yung nga binata't dalagang natulungan namin na willing tumulong kung kinakailangan para lihim na mag-imbestiga. Narinig ko naman sila lolo na may kausap sa baba through mind device. "Love nandito na sila, kailangan na natin mag-ayos. Tayo na diyan" pagpapa-bangon ko dito. Sinubukan ko naman ito buhatin pero mas nagpa-bigat naman ito. Ang kulit talaga. May naalaala ako, tama! Hinalikan ko siya sa labi at tumugon naman ito. Unti-unti ko naman siyang binangon at hindi pa rin pinuputol ang halikan namin, mas gusto niyang may good morning kiss para 'daw' magka-energy siya at mas lalong ganahan kumilos. Hinihingal na tinapos ko 'yun at sabay na kami bumangon. Naligo lang saglit at nag casual outfit lang bago pumunta kila lolo. Pagkarating doon naabutan namin ang apat na babae, dalawa sa kanila ang butch at lipstick lesbian. Nahalata ko namang couples sila dahil sa tinginan ng isa't isa. 'Yung dalawang butch parehas gupit ng buhok pero natural brown 'yung kulay nung may fiercing sa ilong habang 'yung isa reddish brown at may fiercing naman sa tenga. 'Yung katabi ni brown hair si Brianna kapatid ni Brielle habang si reddish brown girl kakambal ni Brielle pero hindi sila magkamukha. Umupo na kaming dalawa sa tapat nila at blangko ang mukha namin na binasa ang skills at impormasyon na nalalaman. Nakasuot kami lagi ng contact lens na may kakayahang basahin ang galaw ng kalaban o nakakaharap namin, pati skills, alam nilang impormasyon at mga plano at naiisip nila. Tumikhim muna si kuya bago nagsalita. "Uhmm girls pakilala muna kayo sa isa't isa bago magsimula ang lahat" utos ni kuya sa apat. Tumayo naman si brown hair na butch. "Hi sa inyong dalawa, I'm Graciela Valdez 19 years old, assasin ang position ko" nakangiting pagpapakilala nito, tumango lang ako habang si Cath ay bumati pabalik. Tumingin ito sakin pero tinaasan ko lang ng kilay. Pinipigalan ko matawa dahil nagsisimula na siyang kabahan at matakot sakin, ayun ang nababasa kong iniisip niya ngayon. Sunod na tumayo ang gf nito. "Hi I'm Brianna Sy kapatid ko si Brielle Sy, fighter and sniper ang position" gaya kanina ganoon din naging reasksyon naming dalawa. Si reddish brown naman ang sumunod. "Bianca Sy ako ang ate ni Brianna and Brielle, ang I.T at fighter din ang position" malamig na tono nito, sumunod naman 'yung katabi niya. "Graziel Valdez call me Graz, all positions na nabanggit nila" saad nito sa malamig na tono habang nakatingin samin rather I say sakin halatang binabasa ako nito but sorry not sorry may pangontra kami diyan. "Hello Nice to meet you all I'm Catherine Davis hindi ko na sasabihin position ko 'coz I'm sure na alam niyo naman na" nakangiting saad nito, tumingin ito sakin at sumensyas sakin para magpakilala pero hindi ko ito pinansin at napa buntong hininga na lamang. "She's Astralla Campbell alam kong alam niyo na kung sino at ano siya. Pasensya na dahil may ginagawa siya kaya hindi na nagabala pa tumayo at magpakilala" paghingi nito ng tawad para sakin. Tama naman siya na may ginagawa ako lahit wala. Nagtaka pa ang apat sa sinabi nitong 'may ginagawa ako' pero hindi na nag abala pang magtanong. "Ayos lang Cath naiintindihan namin" saad ni Graciela, Ela na lang ang haba eh. Inilagay na niya ang 4D projector sa gitna at lumabas doon ang iba't ibang mukha ng mga pinag hihinalaang suspects. "She's Vika Montes ang leader ng cheerleader squad sa Stones. May tattoo siya sa breast part nito na paru-paro. Isa siyang playgirl at chick magnet, tinake advantage niya ito para maraming babae ang maibenta sa black market. Siya naman si Adrian Fernandez leader ng basketball group. May tattoo din katulad kay Vika, siya ang hacker sa mga bank accounts ng mga magulang ng biktima para siguradong hindi makakagawa ng paraan ang pamily, binablack mail ang lahat ng lalapitan nila ng tulong. Grey Sanchez and April Mariano ang sikat na couples. Parehas part ng volleyball team at may tattoo gaya ng dalawa. Sila ang kumikidnap sa mga kakababaihan at kalalakihan para mailabas ang init ng katawan pagkatapos ay papatayin. Junior or senior high, 1st to 4th year college ang mga binibiktima. Lastly Ara Arellano a.k.a A.A sikat at chick magnet din. Bully silang lahat sa mas nakakababa sa kanila at mga humaharang o kumakalaban sa kanila. It's either papatayin, ttorturin or ippakick out nila. May tattoo din, hindi gaya ng apat siya ang pinakang tahimik at misteryosa. Bihira ngumiti o makipag usap at laging nasa library pero nung chineck namin ang cameras dumadaan ito sa isang secret passage marahil iyon ang secret lab nila or may itinatago siya sa loob" mahabang paliwanag ni Brianna at pinatay na ang projector. "May iba pa ba kayong sasabihin?"malumanay kong tanong. Nabasa ko na may nangyari kay Brielle at Nish. "A-ano wala na" medyo kabadong sabi nito. Halatang may tinatago. Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita. Bakit kasi hindi pa samin sabihin tutulungan naman eh. "Kelan mo pa sasabihin na nawawala si Brielle two days ago sa nangyaring ambush for Manisha pero siya ang nakuha" lumungkot naman ang mga mata nito pero agad ding tinago 'yun. Napatingin naman sa kanya lahat. "Paano mo nasabing nakidnap si Brielle eh nakasama pa namin siya two days ago ah" takang tanong ni Bianca. "That's my point two days ago and yet hindi pa siya nagpaparamdam right?" Amaze na napatingin ang apat sakin. "Papa'nong nalaman mo 'yan?" Tanong ni Graz. "Sabi nga ni Cath kanina may ginagawa ako kanina di'ba? So binasa ko kung may iba pa bang nanyari" simpleng sagot ko at uminom ng juice. Nagugutom na ako. Nakalimutan kong magdala ng pagkain bago pumunta dito. Hindi rin ako excited makapag plano patumbahin sila isa-isa, eh? "So before natin ito ipagpatuloy kumain muna tayo dahil kanina pa gutom 'yung isa diyan kaya wala sa mood" biglang dating ni ate Prim. Ayos makakain na din kanina pa gutom ang mga alaga ko sa tiyan. "Mabuti pa nga kanina pa kami gutom ni Astra siguradong galit na ang mga alaga niya" agad ko naman sinamaan ng tingin si Cath. Nahiya naman ako sa dami niyang kinuhang ulam. Hindi ko na lang ito pinansin pa at sinumulan nang kumain. Naiiling na lang sila saming dalawa. Pinalo ko ang kamay ni Cath balak niyang kunin 'yung kalahati ng steak, ang takaw talaga. Ngumuso lang ito ng parang bata at nanghingi sa ate nito. Buraot. Uminom ako ng tubig at umayos na ng upo para makapag patuloy na kami sa meeting. Inaantay lang namin si Bianca dumating at iddouble close namin ang room. "Okay ngayong kompleto na ang lahat maari mo bang ikwento ang nangyari kay Brielle. Bakit siya nakuha, hindi ba siya gumawa ng paraan o lumaban?" tanong ni lolo. Nakakapagtaka lang naman nakuha nila si Brielle ng ganun-ganun lang. "Ganito po kase 'yun. Nagpa-alam siya na ihahatid sa niya sa mansyon ng mga Montecillo si Manisha. Nasa crossing sila ng biglang may humarang na dalawang itim na van at pinaulanan sila ng bala. Hindi naka on ang barrier that time kaya tinamaan ng bala ang driver, halatang planado nila 'yun. Habang nakikipag barilan sila ate at nasa loob ng van ang kasintahan niya, pinalo siya ng tubo sa likuran kaya nabitawan nito ang baril nakapag laban naman siya kaso tinurukan ito ng kung anong liquid at nawalan ng malay kaya siya ang nakidnap" nangingilid ang luha nito pero pinipigilan niyang hindu maiyak. "Sinubukan niyo bang itrace kung nasaan siya?" tanong ng katabi ko. "Hindi namin siya matrace mukhang walang signal sa lugar na pinagdalhan sa kanya" sagot ni Bri. Tss 'yun lang pala problema eh hindi agad sinabi. Pinindot ko ang button sa ilalim ng lamesa at doon lumabas ang 3D keyboard and monitor nito. Mabilis nag-type ako para matrace kung nasaang lupalop ba ng Pilipinas si Brielle. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago lumabas ang resulta. Nasa Laguna ang lugar, malayo sa kabihasnan ang lugar halatang sa bundok siya dinala. Ang hilig nila sa mabundok na lugar dalhin ang mga biktima nila. Matapos malaman namin kung nasaan siya nag-type pa ako ng ilang code at bumungad samin ang itsura ng loob ng abandonang bahay. Nasa isang madilim na kwarto siya at walang bintana. Nakapiring at nakatali siya sa isang monoblock na upuan. "Brielle gamitin ang laser para makawala ka sa tali" utos ko dito at lumabas naman ang laser para pakawalan siya. Agad naman niya tinanggal ang piring sa mata. Pinag-aralan ko din ang blue print ng bahay at may nakita akong secret passage sa pader. "Pumunta ka sa kaliwang pader, hawakan mo 'yung may tatlong dot at itulak pakanan" utos ko pa. Ginawa naman niya agad at lumabas na pagkatapos ay isinara niya ito at naging invisible na para hindi makitang tumatakas siya. Nakahinga naman ng maluwag ang mag-kapatid. Nagpadala na rin ako ng sasakyan sa kanya at pinatay na muli ang gadget na ginamit. "Totoo ngang matalino at magaling ka, salamat sa tulong mo Astra" nakangiting saad ni Brielle. Napatingin ako sa tumatawag sakin. Unknown number tinitigan ko muna ito ng ilang sandali at kinonek sa device ko para matrace kung sino man siyang poncio pilato. Sinagot ko naman ito at niloud speaker. "Hello Astra kamusta ka, namiss mo ba ako?" Sabay tawa nito na parang demonyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD