Chapter 12

1491 Words
ASTRALLA Malalim na ang gabi. Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa aking balat. Tanging liwanag na lamang ng buwan ang ilaw ko. Nandito ako ngayon sa pool side nakababad ang mga paa sa tubig habang umiinom ng tequila. "Hindi ka rin makatulog?" Napatingin ako sa nagsalita, si Cath. Tinanguan ko lang ito. Lumapit siya sa pwesto ko at ibinabad din ang mga paa. Nanatili lang kaming tahimik. Pinakiki-ramdam ang isa't isa. Isinandal ko ang ulo sa kanyang mga balikat. Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magiging ligtas. Kung magkikita at makakasama ko pa sila. Naiisip ko din paano kung ko haharapin ang araw araw ngayong pati si dad ay kasama nila mom. Pa'no kung hindi lang ako, kami ang madamay. Ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa gulo ng aking buhay. Ayos na sa akin ang makasama sila tutal ilang buwan na lang din naman gagraduate na kami at mag kakahiwa-hiwalay. "Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon pero naniniwala akong malalampasan din natin 'to, basta nandito tayo sa tabi ng isa't isa at huwag mo sarilihin ang mga problema" hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwined. "Lalo na ilang buwan na lang ikakasal na ako sayo" dagdag pa niya. Teka? Ikakasal!? Bakit hindi ko alam 'yun? "Nasabi sakin ng lolo ko I mean natin na pala 'yung naudlot na sasabihin niya. Ayun nga kailangan daw natin ikasal sa lalong madaling panahon, sawakas wala nang makapag hihiwalay satin. Malapit ka nang maging Mrs. Davis at ibig sabihinn" pambibitin nito. "Ano?" "Malapit na honeymoon natin" pilyang sabi nito habang tumataas baba ang dalawang kilay. Pabirong pinitik ko ang noo niya. "Aray, kawawa naman ako kung lagi mong bubugbogin" nakangusong reklamo nito. Agad ko naman siya binigyan ng smack kiss. "Puro ka kasi kalokohan at kamanyakan 'yang lumalabas sa bibig mo. Mag mouth wash ka nga ng isang daang beses baka sakaling luminis 'yan" iritang saad ko. "Pero seryoso, excited na akong maging misis ka at makasamang bumuo ng pamilya kasama ka. Kayaa matulog na tayo dahil wala akong fiancee na mukhang zombie" natatawang pang-aasar niya. "Araaayyy! Masakit ah" "Anong sabi mo?! Sinong zombie ka diyan ha?" Singhal ko habang pinipingot ang tenga nito. Aba't sabihan ba naman akong mukhang zombie? Sinong matinong tao ang matutuwa. 'tong babaeng 'to, naku! "N-Nagbibiro lang n-naman eh" halata sa boses nito ang sakit kaya binitiwan ko na. "Amina na nga, nakakainis ka kasi eh" totoo naman kasalanan niya. Nagpunta na kami sa kwarto akala ko aalis na siya ng biglang pumasok ito sa loob at dire-diretsong humiga sa kama. Mukhang dito pa matutulog ang tukmol, hayaan na nga. "Hoy usog dalii" balak kong lagyan ng unan sa pagitan namin. Mahirap na baka may mangyaring kababalaghan. Bata pa ako, uy! "Ayokoo, yakapin na lang kita dali, promise tulog lang" sabay tapik sa sa kama. Walang nagawang tumabi ako sa kanya at niyakap na rin siya pabalik. Ayos lang naman siguro kung mag cuddle kami dito at kiss di'ba? Hindi naman kami gagawa ng ehem alam niyo na. "GOOD MORNIN– ayyyyy" napabalikwas naman kami ng katabi ko sa tili ni ate Prim. Ano bang meron, kung maka-tili naman ito kala mo may ginawa kaming iba dito eh. Natutulog 'yung tao eh bad trip naman. "WAAHHHHHH HINDI NA BIRHIN MATA KO!" sigaw pa ni ate Prim kaya nakakuha siya ng batok kay kuya. Ayan ingay kase! "Ano ba ate kita mong puyat 'yung tao tapos ang ingay ingay mo diyan daig mo pa nasunugan eh" reklamo naman ng diyosang katabi ko. "Paanong hindi mag iingay eh kulang na lang wala kayong saplot kung maka yakap sa isa't isa akala mo naman, hmp!" paninisi samin. Ang o.a talaga ng kapatid ni Irene. Pati sila lolo, lola at parent's ni Cath pumunta na rin dito, issue nanaman 'toh! "Ano bang nangyayari diyan at sumisigaw itong si Prim?" tankng ni lola kaya nag mamadaling pumunta sa banyo ang isa. So iiwan niya ako dito? Aba magaleng! "W-wala po lo huwag niyo nang pansinin 'yang si ate kulang sa lambing ni kuya kaya nagkaka ganyan" natatawang sabi ko. Magsasalita pa sana ito pero tinakpan na ni kuya ang bibig niya at hinila papuntang dining area. Tumingin pa ulit sila lolo bago sumunod sa nag babangayan sa hapag. "Sumunod na lang kayong dalawa nang makakain ng totoong pagkain ah" sabi ni tita sa mapanuksong tono nito. Pati ba naman si tita pag hihinalaan kami?! Isinara muna nito ang pinto bago tuluyang umalis. Lumabas na din ng banyo si Cath na basa pa ang buhok at nakatapis lang. Nakaramdam naman ako ng kakaibang init sa katawan. Malaya kong napagmasdan ang mapuputing legs nito, tumutulo pa ang tubig sa kanyang leeg na siyang nagpa-init sa kwarto. Agad namang nag iwas ako ng tingin ng lumingon ito sakin at nandoon naman ang nakakalokong ngisi niya. Tanggalin ko 'yang bibig mo eh! Makaligo nga muna baka sakaling mawala ang init na nararamdaman ko. Pagkababa ay dinig na ang usapan at halakhakan nila. Halatang nagkakasiyahan sa loob. Napatigil naman ako sa mga sumunod na usapan nila. "Ano naka home run na ba?" kahit hindi ako nakatingin kay kuya alam kong nakangisi ito. Nagtawanan naman ang lahat sa tanong niya. "K-kuya naman s-syempre wala, iginagalang ko siya at ayokong sirain ang pangako ko kay tito at Don Azure" namumulang kamot batok na saad niya. Maaaring manyak siya magsalita pero iginagalang naman niya ako. Maloko pero mabait naman. Ayaw niya sa lahat 'yung mga walang respeto at mga inaaping tao isa din ito sa mga nagustuhan ko sa kanya nuong una ko siya makilala. Flashbacks: "Ano ba sabing bitiwan niyo 'ko eh, isusumbong ko kayo sa daddy ko! Dadddyyyyyyy!" Matinis na sigaw ko habang nagpupumiglas sa mga unggoy na ito. "Hoy! Bata kapag hindi ka pa tumigil kakasigaw diyan sasapakin na talaga kita!" Singhal sakin ng lalaking payatot na balak pa atang pag samantalahin ako. "Tumahimik ka na baby girl mag eenjoy ka rin naman sa gagawin natin eh" sabi naman ng tabachoy na may hawak sakin. Tumutulo pa ang laway at namumula ang mga mata nilang muling pinasadahan ako ng tingin na animo'y hinuhubaran ako. Ayoko na dito! Daddyyy pleaseee tulungan mo 'ko. Somebody help me! Huhuhu ayoko na dito lalong lalo na sa dalawang ito. Ampapangit at ambabaho nila parang isang dekadang hindi naligo! "Hoy bitawan niyo nga siya ipahuhuli ko kayo sa mga bodyguards ko!" napatingin ako sa batang babaeng sumigaw sa kanila. Halatang natakot ang mga ito sa sinabi ng babae lalo na nung maglabas ng baril 'yung mga kasama niyang 'bodyguards' niya. Agad namang tumakbo ito palapit sa pwesto ko at tinulungang makatayo. Mabuti na lang at dumating siya kung hindi baka palutang lutang na ako sa ilog pasig! "Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba nila? Sabihin mo may masakit ba sayo? Sinong kasama mo at bakit nandito ka mag-isa?" sunod-sunod na tanong niya. Napangiwi naman ako. Ang daldal. "Sandali lang ah isa-isa lang isa lang ako oh" sabay turo sa sarili. Humingi naman ito ng sorry. "Sa unang tanong mo oo ayos lang ako, thank you baka kung hindi pa kayo dumating siguro pinaglalamayan na ako. Ikalawa at ikatlo medyo masakit lang ang pwetan ko dala siguro ng pagka bagsak kanina at huli naman naligaw ako, hinahanap ko kase si daddy" nahihiyang sagot ko hanggang ngayon tulala pa rin siya. Hindi kaya siya 'yung nasaktan? "A-ah gano'n ba tara samahan na kita sa daddy mo, siya siguro kameeting ni dad kanina" at tulad ng sinabi niya sinamahan niya nga ako papunta kay daddy. At simula din no'n hindi na niya ako tinantanan pa. End of flashbacks "Oh iha nandoon na silang lahat kanina ka pa hinihintay sa hapag, hala sige pumunta ka na at ng makakain na" tumango naman ako kay manang Fe. "Mukhang nagkakasiyahan kayo ah, anong meron?" patay malisyang tanong ko. "Tinatanong lang namin itong si Cath kung naka home base na ba at saan balak niyo mag honey moon" si lola na ang sumagot. Napangiwi naman ako bahagya, bakit kailangang pag usapan 'yun? Nasa harap pa naman kami ng pagkain. Pagkatapos magkasiyahan ay tinapos na namin ang pagkain bago bumalik sa kanya-kanyang gawain. "Pasensya ka na kanina sa pinag sasabi nila ah, akala ko kasi aawatin sila ni lola hindi pala" hinging paumanhin ko. "Ayos lang, sanay din naman ako sa gano'ng usapan" oo nga pala. Isa pa itong berde ang utak eh, tss! "Halika na para matapos tayo sa training ng maaga" bago kami nag punta sa training groud at nag umpisa na. Sana lang at wala munang gawing hakbang ang kalaban lalo na't wala na ang kaliwang kamay ni Bryst. Sigurado namang may gagawin sila para maka ganti at makuha ang gusto. Bahala na si batman kung ano ang mangyayari ngayon basta mag fofocus muna ako sa training at sa pag papatumba sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD