"Boss, boss! Isang masamang balita!” Humahangos na pumasok ang isang lalaki sa opisina ng kanilang boss. Ngunit bigla siyang natigilan nang sumalubong sa kanya ang matalim na tingin nito. "B-Boss... M-May masamang balita," utal na lang niyang ulit at hindi malaman kung uurong ba siya o ano. Ngunit lalong tumalim ang tingin sa kanya ng kanilang boss dahil ayaw na ayaw talaga nito ang naiistorbo. Kaya bago pumasok sa kanyang opisina ay inabisuhan niya ang sinuman sa kanila na kumatok muna bago pumasok ng kanyang opisina. "P-P-Patawad boss... pero d-dapat malaman niyo agad ito," agarang paghingi ng paumanhin ng lalaking iyon sa kaharap na boss. Dahil inasta ng lalaki ay itinaas ng kanilang boss ang kanyang kamay para pagbigyan siya sa kanyang kalapastangan. "Go on," pagbigay hudyat

