"Pssst Jaden," pabulong na pagtawag ni Lexion sa kanyang kakambal, "May sasabihin ako." Nagtataka na nilingon naman siya ni Jaden mula sa kanyang paglalaro ng Teddy Bear na binigay ng kanilang mama. "Hmmm? Ano iyon, Lexion?” tanong niya. "Gusto ko makita si papa," sambit niya. Napahilig naman ng kanyang ulo si Jaden sa sinabi na iyon ng kanyang kakambal. Paano kasi gugustuhin nito na makita ang kanilang papa kung hindi pa naman nila ito nakikita at nakikilala. "Gusto ko rin naman makita si papa pero paano naman natin siya hahanapin?” tanong ni Jaden sa kanyang kakambal. Hinila ni Lexion si Jaden para ilapit nito ang tenga sa kanyang bibig. "Narinig ko noong isang gabi na kilala ni Ninang Ynara ang papa natin," pagbalita niya rito. Tila nakuha nito ang atensyon ni Jaden at agar

