Chapter 63 -- "Lucy.." Napatingin siya sa estrangherong lalakeng kadarating lamang. Hindi niya ito matandaan.. Hindi niya maalala kung sino ito at kung totoo ba ang mga sinasabi nito tungkol sa kanya. Lucy.. Lucy Olivia, ito ang pangalang itinawag nito sa kanya pero hindi naman niya maalala.. "Bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo? Ilang buwan kang comatose kaya't kailangan mong ibalik ang lakas na nawala sa iyo." Ngumiti ito sa kanya at umupo sa tabi ng kama. "Alam kong naguguluhan kapa, At alam ko rin na nagdadalawang isip ka na pagkatiwalaan ako o paniwalaan ang mga sinasabi ko pero Lucy sa mundong ito ako lang ang mapagkakatiwalaan mo." Sabi nito na ikinakunot ng noo niya.. Tama.. Tiyak na hindi lang siya nag-iisa sa mundo kailangan niyang itanong mula rito kung nabubuhay

