Chapter 74 -- "You have to let people go. everyone who's in your life are meant to be in your journey, But not all of them are meant to stay till the end." Makalipas ang Dalawang Taon.. "What are you thinking?" Hindi nilingon ni Jordan si Ren at sa mga bituin lamang siya nakatingin. "Iniisip ko kung totoo ba lahat ito." Napatingin naman si Ren kay Jordan sa sinabi nitong iyon, Dalawang taon na ang nakakalipas ngunit hindi parin ata ito nakakarecover, Hindi parin ata nito tanggap na okay na ang lahat na wala nang mananakit dito at sa anak nito. "Bella how many times do I have to tell you that-- Bumaling sa kanya si Jordan at tinabanan nito ang kamay niya. "I know.. Hindi ka nga nagkukulang sa pagpapa-alala sa akin eh, Halos sa tuwing magkakaganito ako ipinapaliwanag mo na okay na

