Third Person's Point of View Inaantok na ang mga salarin dahil sa iyakan ng dalawa nagmamakaawa sila na h’wag silang patayin. Pero wala silang magagawa dahil ang utos ni Uno ay patayin sila sa anumang naisin nilang paraan. Dahil sa kagustuhan ni Uno na mamatay ang dalawa ay para kay Akirah. Gusto ni Uno na mapalapit ang ang loob ni Akirah sa salarin. Kaya lahat ng hahadlang sa plano ni Uno ay papatayin niya kahit pa mismo ang kadugo niya ay wala siyang pakialam kahit sino. “Tama na ‘wag niyo na siyang pahirapan nagmamakaawa ako sa inyo,” pagtatanggol ni Marielle sa kaniyang boyfriend. Nakapiring si Marielle nang kulay itim na tela habang nakaupo siya kinakalawang na upuan. Nakatali ang kaniyang paa sa malaking steel wire rope na kung saan hindi niya basta basta matatanggal ang ta

