Chapter 7: A KILLER WANTS, A KILLER GETS

1692 Words
Chapter VII Uno Bente Kwatro Written by: AkosiGuerero Series One Akirah's Point of View “MEGAN!” Bulyaw ko sa pangalan niya. Hinawi ko ang kaniyang buhok at inuga siya ng malakas. Mas lalo akong napaiyak ng pumikit na ang kaniyang mata. “Megan gising!” “Megan!” “MEGAN!” “Megan naririnig mo ba ako?” inuga ko ulit ang kaniyang balikat pero parang lanta na siyang gulay dahil sa kaniyang katawan. Hindi na mainit ang kaniyang katawan. Gusto kong makasiguro na hindi pa siya patay. Pinulsuhan ko siya at katahimikan ang narinig. Pilit kong dinamdam kung mayroon ba siyang pulso.. Ngunit wala na... Wala na siyang pulso patay na si Megan... Pinagsakluban ako ng langit ng wala na akong marinig sa pulso ng kaibigan ko. Hindi siya pwedeng mamatay. Hindi pa siya patay. Hindi ito totoo panaginip lamang ito. Sunod kong nakita ang maputla niyang labi. Naiyak ako at sinampal ko ng paulit-ulit ang pisngi ko. Hindi patay si Megan. Hindi pwede. Hindi maaari. “MEGAAAAANN!” Sigaw ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit. Umiyak ako na parang walang katapusan. Hindi ito maari. Paulit-ulit ko siya ginising pero hindi niya parin siya gumigising. “Megan please h'wag mo akong iwan.” nagmamakaawa na ako para h'wag siyang mawala. Kulang pa ba? “KULANG PA BA? UNA SI YVONNE SUNOD SI MEGAN. AKO NA LANG ANG PATAYIN NIYO. KUNIN MUNA ANG BUHAY KO IBALIK MO LANG SILA!” Sigaw ko habang umiyak ng sobrang lakas. Sinumpa ko ang langit at lupa para lang bumalik sa akin ang lahat ng nawala sa akin. Gusto ko lang naman sumaya kasama sila pero bakit kinukuha ang lahat ng meron ako. Kulang pa ba? Wala akong ginawa kun'di halikan nag noo ng kaibigan ko at yakapin ito ng paulit-ulit. “Tulong!” Paulit-ulit akong tumingin kay Maxine habang nagmamakaawang humingi ng tulong. Napatingin ako kay Maxine saka umiling sineyas ko na wala na si Megan. “Diyos ko, ako na lang ang kunin mo h'wag ang mga taong mahal ko—” Naputol ang sinabi ko nang may malakas na sumuntok sa aking likod para mapahiga ako. Halos mamilipit ako sa sobrang sakit dahil ngayon lang ako nasuktok ng ganung kalakas. Parang may nabali na buto sa aking likod dahil sa sobrangg lakas na suntok. "AKIRAH!" Sigaw ni Maxine. Flashback.... Third Person's Pov Napaka dilim ng pasilyo. Napakatahimik. Walang nagtatangkang basagin ang katahimikan. Pawang naririnig lamang ang yabag ng lalake na papunta sa likod ng library. Nakangiti ito habang naglalakad. Kahit madilim ang daan papunta sa likod ng library ay tinatahak niya ito ng mag-isa. Walang kasama. Tanging siya lamang ang nakakakaalam ng lahat ng kaniyang plano. Walang nakakaalam kahit sino. Sanay siya sa dilim. Malinaw ang mata niya sa dilim. Inilabas niya ang mahabang palakol habang sinasayad sa sahig. Nag-iba ang kaniyang ekspresyon ng may anong bagay na kumaluskos. May kumaluskos. Narinig niya ito. Napahinto siya at may naisip ito, ngumisi siya ng nabuo na niya sa isip niya ang plano. Binagsak niya ang malaking palakol sa sahig na may bahid ng napakaraming dugo at nakataling bituka sa hulihan ng kahoy. Marahan siyang kumilos at hinakbang sa una ang kaniyang paa. Marahan niyang inapakan ang matabang bituka na nakatali sa mahabang palakol. Nayupi ito na parang matabang karne ng hayop. Umupo siya para kuhanin ang bitukang nakatali sa palakol. Tinignan niya ito at pumilas ng kaunti. Sa pagpilas niya ng bituka ng tao ay tumalsik sa kaniyang mukha ang dugo. Kaya mas lalo niya pa itong ikinatuwa. May tumalamsik na kaunting dugo mula sa kaniyang labi. Tinikman niya ito at natuwa sa lasa ng dugo. Napatingin ulit siya sa bituka na namumula dahil sa napakaraming dugo sa paligid nito. Napakaraming dugo. Inamoy niya ito saka ngumiti. Ang ngiting yon ay may pananabik sa bitukang hawak niya. Marahan niya itong pinisi at sa pag pisi niya sa bituka ay may lumabas na malayang likido. Inilagay niya bituka sa kaniyang kaliwang kamay na parang isang laruan para sa kaniya. Napapaligiran ng dugo ang kaniyang magaspang na kamay. Dinilaan niya ang dugo sa kaniyang palad. Gustong-gusto niya ang laman at dugo ng tao. Tila nabuhayan siya ng matikman niya ang dugo ng tao. Dinalaan niya muli ang kaniyang kamay at muli itong inamoy. Napakabango para sa kaniya ng dugong yon. Matagal na siyang hindi muling nakatikim ng sariwang dugo. Dalawang taon niyang tiniis na hindi tumikim ng laman ng tao. Para ipakita sa mga tao na hindi siya halimaw. Sinunggaban niya ang matabang bituka na galing sa dalagang estudyante. Nababaliw siya sa sobrang sarap ng bituka nito. Para siyang bata na uhaw na uhaw sa tubig ng sumirit ang mabahong dugo. Matagal ng nakatambak ang bangkay ng dalagang estudyante sa kaniyang kwarto. Dahil pinapantasyahan niya ito. Matagal na niya itong pinapantasiyahan sa kwarto. Marahan siyang tumayo ng may naisip siyang bagay. Nakatingin siya sa plato sa ibabaw ng lamesang puno ng alikabok na pawang hindi nadaanan ng walis tambo. May kataasan ang lamesa na pawang maliit na bata ay hindi ito maabot dahil sa taas nito. Malakas na kumaluskos pa ang kaniyang sunod sunod na narinig kaya mas lalo siyang napangiti. Inilagay niya ang nangingitim na bituka sa pinggan. Kinuha niya ito at marahan dinala sa isang lagusan. Sa madilim na lagusan. Kumakanta ito habang nakangiti. Sa paglakad niya ng matulin papasok sa madilim na lagusan pababa ay dala-dala niya ang pinggan puno ng bituka ng tao. Tumatagas ang dugo pababa sa sahig bawat madaanan niya ay pumapatak ang dugo na galing sa bituka. Mabilis niyang inilabas ang palakol habang hawak niya ang pinggan. Halos magwala ang kanina ay kaluskos lamang. Nag iba ang kaniyang mukha dahil sa sumunod na pangyayari. Inilagay niya ang pinggan malapit sa upuan. Tumalbog ang bituka ng tao dahil sa lakas ng pagbagsak niya. "PUT*NG INA!" Sigaw niya galit. Lalo pang nagwawala ang nasa madilim na sulok. Halos magdilim ang kaniyang paningin dahil sa sumunod na pangyayari. May nalaglag na kutsilyo sa kaniyang harapan nagdulot yon ng matinding gulat sa kaniya. Natuon ang atensyon niya sa nakakulong sa maliit na selda na gawa ng kaniyang malikot na isipan. Mabilis niyang pinidot ang botton sa gilid at inayos ang kaniyang salamin. Humiyaw sa hapdi ang tao na naroon. May tao sa loob ng hawla. Tao sa loob ng hawla? "PAKAWALAN MO AKO DITO HAYOP KA!" Sigaw ng babae sa kulungan. Bilang parusa ay nakuryente siya ng malakas na boltahe. Pinihit niya ang botton sa 200 na boltahe. Napaiyak siya matapos makuryente sa loob ng hawla. Hirap na hirap na siya dahil sa parusa na natatamo ng babae. She is n***d. Her hand were tied by by steel bars. Nakatali rin ang kaniyang paa ng kalawanging rehas. Mahaba at maitim ang buhok nito. May kulot ang baba ng kaniyang buhok. Kahit hirap na hirap ito ay hindi parin nawawala ang kaniyang ganda. Sa kaniyang singkit na mga mata ay hindi na nakikita ang ningning nito. Nababasa sa kaniyang mata ang lahat ng galit sa taong nasa harap niya. Ang taong pinaniwalaan niya. Ang taong tutulong sa kaniya. "Sa tingin mo ba ay papakawalan kita?" Tumawa ito na parang isang demonyo na kaagad naman ikinatakot ng babae. Para sa kaniya ang tawa na yon ay nakakatakot. Nakakatroma. Lahat na ng takot ay nasa kaniya. Pinapatay siya nito sa kaba araw-araw dahil sa mga kahindik hindik na gawa ng salarin sa kaniya. Sanay na siya sa parusa na nararanasan niya tuwing pupunta ito o bibisitahin siya nito sa kaniyang hawla. Isa niya itong bihag simula pa dati taong 2013 ay bihag na siya nito hanggang taong 2017. Mahigit limang taon na siyang nakakulong sa masikip sa hawla. Walang nagtatangkang hanapin siya o imbestigahan ang kaso niya. Dahil isinarado ng mga awtoridad ang kaso dahil sa kaniya. Binigyan niya kasi ng pera ang mga ito upang hindi siya makasuhan. Dati kasi ang kapalit ng kaparusahan sa batas ay kamatayan. Pero ibahin mo siya dahil isa siyang mayamang tao sa kanilang bayan ay nagsisilbi siyang sumbungan ng bayan. Sumbungan ng bayan. Isa kasi siyang pulis, Hindi guro sa paaralan. Naroon siya sa paaralan dahil may nagaganap na p*****n doon. Siya lang naman ang takbuhan ng bayan ng mga babaeng naabuso. At ang sino mang lumapit sa kaniya ay siyang kaniyang gagawan niya ng masama. Dahil baliw siya ay kung anu-anong eksperimento ang ginagawa niya sa mga babae. Pinapatay niya ito minsan ay binubugbog, binabalatan ng buhay o gagawing pagkain niya. Para sa kaniya masarap ang babae kaysa sa lalake. Oo pati lalake ay kinakain niya. Wala rin siyang pinapalagpas. Mas marami ang nabibiktima niyang lalake kumpara sa mga babae. Walang nagsusumbong o balak na isumbong siya. Dahil siya ang batas at walang makakapigil sa kaniya. "A KILLER WANTS, A KILLER GETS," Mahilig siyang mag-ipon ng babae lalo na sa magaganda at mukhang modelo. Sa kabila ng lahat ng babae niyang nadala dito ay siya lamang ang itinitira nitong buhay at ang iba naman ay pinaparusahan niya o pinapatay. Ginagawa niya itong pagkain kaysa sa mga ordinaryong mga pagkain dito sa mundo na ito. Hindi siya aswang o kung anumang nilalang sa mundong ito. Sabihin nalang natin na isa siyang demonyo. Anumang naisin niya rito sa mundo ay masusunod. Tumingin siya sa babaeng kanina pa nanghihina dahil kinuryente niya ito ng sobrang lakas. "ALAM MO BA NA PINAGTUTULUNGAN NA ANG KAPATID MO PARA PATAYIN?" Ngumisi ito na para bang inaasar na dalaga sa hawla. Tumulo na lamang ang luha nito dahil sa galit ang tanging magagawa lamang ng dalaga sa hawla ay magwala. Kahit anong gawin niya sa hawla ay hindi nito masira dahil mahina lamang siya. Hindi sapat ang kaniyang lakas. Sobrang kapal ng bakal sa hawla at pinagawa talaga ito ng hindi sa basta-basta sa taong maalam upang hindi makatakas ang bihag. "MGA HAYOP KAYO H'WAG NINYONG GAGALAWIN ANG KAPATID KO!" Sigaw niya rito. Mas lalo pang nagwala ang babae na nasa hawla dahil sa kaniyang nalaman. Hinawi niya ang kaniyang buhok at pilit na tumunghay para matignan niya ang lalake na may hawak ng pinggan. "Mga hayop kayo mga demonyo!" Humiyaw na siya dahil sa galit nito sa lalake. END CHAPTER 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD