UNO BENTE KWARTO
WRITTEN BY: AKOSIGUERERO
SERIES ONE
Akirah's Point of View
Nagulat ako ng umubo si Megan hindi pa siya patay.
"Buhay ka Mega-" Hindi ko na tuloy ang sinabi ko ng marahan siyang sumenyas.
May itinuro siya na candy sa kaniyang palad.
Ano yon?
Put* candy?
ay hindi colgate?
Bakit may colgate siyang dala?
So yung nakita ko kanina nabumubula ang ibig sabihin non ay colgate? Matalino rin pala minsan ang kaibigan ko. Posible kasi ang magpatay-p*****n kasama yon sa rule ng horror movies. Mahilig kasi siyang manood ng horror movies na ayaw namin ni Maxine dahil natatakot kami. May maganda din palang maidudulot ang panonood ng horror movies.
Naluluhang tumingin sa akin ang mga mata ni Megan habang nakangiti siya sakin. Parang baliw lang. Marahas niya akong kinurot pero mahina lang. Umarte siya na parang naiiyak habang nagmamakaawa. Ibigay na ang korona sa best actress nyeta. Akala ko talaga totoo yung nangyari sa kaniya. Kapani-paniwala talaga.
"Akala ko diretso kana sa kabaong." Humiga ako sa dibdib niya na parang umiiyak. Nagpapanggap ako na umiiyak yung para bang totoo talaga.
Yawa!
"Ako matutuluyan itong mukha na 'to seryoso ka? May nine lives ako no pusa ako' no," pagmamayabang niya
"Ang yabang mo talaga akala ko patay kana," bulong ko sa kaniya at umakto na parang ayoko mawala siya.
"Ayusin mo yung drama sis." Humalukipkip siya at umirap.
"Push mo." Kumindat pa siya sa akin kaya mas lalo akong natawa na naiiyak.
"Act like normal." Bulong niya.
"Megan, Huwag mo kaming iwan." Umarte pa ako na naiiyak habang mahigpit siyang niyayakap.
Naririnig ko pa ang kaniyang pigil na pagtawa sa ginagawa ko. Siguro sinasabi niya na nababaliw na ako o may saltik ako. Best actress na ako tabe!
Ngumiti ako na parang walang nagyari sa akin kahit pa nanginginig na ang aking katawan sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong tumayo kahit naiiyak ako sa sobrang hapdi.
"Akirah sa likod mo!" sigaw ni Maxine.
Akma akong lilingon sa likod ng biglang may hahampas sana sa likod ko kaya mabilis akong nakailag rito. Napaupo ako sa lupa sa lakas ng pag-ilag ko. Nakita kong hinila ni Maxine ang salarin para sila ang mag-away. Napapikit pa ako ng mata dahil nakikita ko si Maxine na akala mo ay hindi babae dahil sa ginagawa niya ngayon. Nakikipagtayan. Mali siguro yung ginamit kong term dapat nakikipagsuntukan.
Hinila niya ang balikat ng salarin sabay tadyak at suntok sa sikmura. Pagod na pagod na si Maxine pero nakakaya niya paring gumanti sa salarin. Nakikita ko sa kaniyang katawan na anumang oras ay hihiga na siya sa lupa. Pero hindi siya nagpapatalo. Napatingin naman ako sa nakahigang katawan ni Megan. Akala ko talaga patay na siya dahil kanina ay may lumalabas sa kaniyang bibig na kulay puti. Hindi ko mapigilang yakapin ang kaibigan ko sa tuwa. Hindi siya patay.
“Megan, akala ko iniwan muna ako.” Hinaplos ko ang kaniyang likurang buhok. Kahit na nanghihina na si Maxine ay nagawa niya parin na suntukin ang salarin sa sikmura.
"Sabi ko sayo sa lahat ng sasaktan mo ay huwag ang mga kaibigan ko kasi ako mismo ang makakabangga mo," maangas na wika niya rito sabay punas sa kaniyang may bahid na dugo sa labi.
Nakita ko ang mukha ni Maxine na hirap na hirap ng nakikipag buno sa salarin kahit nahihirapan na siya sa paglaban rito ay ginagawa niya ang lahat para mailigtas kami mula rito. Galit na galit na siya parang makakapatay na siya ng wala ng oras.
"T-tumakbo kana Akirah iligtas mo ang sarili mo," pantataboy niya sa akin.
Nanghihina na siya at nagpapatuloy parin ang pagragasa ng napakaraming dugo mula sa kaniyang likod, Hindi ko maiwasang maiyak dahil naawa ako sa kalagayan niya ngayon. Bakit siya pa? Bakit siya pa ang kailangan magdusa? Bakit hindi na lang ako? Bakit siya pa? Pawang ang mga salita na iyon ay may halong kirot sa aking puso. Paano niya nagagawa na tiisin ako.
Paano niya nasasabi ang mga salitang ganyan? at ang nais niya ay ilayo sa kapahamakan. Wala lumabas na salita mula sa aking bibig kundi ang mga luhang mahina.
"Hindi kita iiwan Megan, Hindi kita iiwan," naluluha kong sabi.
Hinawakan ko ang kamay niya pero hindi parin ako makatayo o iwan siya. Ayokong iwan ang kaibigan ko. Ayokong hindi kami magkasama. Makakatakas kami dito ng walang maiiwan.
"Ililigtas ako ni Maxine makakauwi kami pangako."
“Hindi,” sagot ko. Hindi ko parin binibitiwan ang kamay niya. Nakahawak parin ako sa kaniya ng mahigpit. Sobrang higpit.
“Huwag kang mag-alala makakaligtas kami,” nakangiti niyang wika.
"Akirah magtiwala ka sakin." Mariin niyang hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti siya sakin habang naluha naman ako sa sinabi niya itinataboy ako ng kaibigan ko para ako ang maligtas at sila ang mapahamak. Palagi na lamang ganito ang nagyayari kung pwede namang lumaban. Ayoko na sa oras na ito lalaban ako, lalaban ako para sa mga kaibigan ko, lalaban ako para sa kanila anuman ang mangyari. Mamatay akong may pinaglalaban. I will not die until the killer will not be.
"Iligtas muna ang sarili mo Akirah," utos ni Maxine.
Ayoko silang sundin ayokong may magdikta sa lahat ng aking gagawin. Akin itong Buhay kaya ako ang nararapat na kumontrol nito. Hindi ko kayang manonood lang ako habang sila ay nahihirapan. Mas lalong hindi ko kakayanain na mamatay sila at ako nabuhay nang hindi manlang lumalaban.
"HOY PANOT NA MAY ITAK!" sigaw ko sa salarin. Pabaling-baling ako sa kung saan.
Tinatanong ko ang sarili ko. Kaya ko ba? Pinasok mo 'to kayanin mo. Matapang ka diba? Napalingon ako kay Maxine na halos magwala dahil sa katangahang ginawa ko. Tumango na lamang ako kahit sa loob ko ay natatakot ako sa kung anong mangyayari sa akin. May mangyayari ba sa akin?
“Tang-ina Akirah anong ginawa mo?” malutong na mura ni Maxine.
Wala man akong sapat na kakayahan para lumaban ay gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para iligtas ko ang dalawa kong kaibigan mula sa kaniyang kamay.
“Tumakbo kana...Iligtas mo ang sarili mo!” gigil na uram ni Maxine pero hindi parin ako naniwala.
Hindi ako takot Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung tatakbo ba ako sa malayo para mailigtas ang sarili ko tulad ng magiging makasarili ako habang buhay o tatakasan ko ang mga problema at hindi ko ito haharapin katulad ng ginawa ko noon kay Yvonne. Hindi ko man lang siya nagawan ng paraan para iligtas sa taong nagpahirap sa kaniyang buhay.
Namatay dahil sa akin namatay siya dahil gusto niya akong protektahan kahit pa ang kapalit nito ay kaniyang buhay dito sa mundo. Hindi ko manlang napigilan ang kaniyang pagkamatay dahil nakakakita lang ako ng hinaharap hindi pumipigil nang nakatadhana.
Pero sa oras na ito wala nang masasawi na buhay para sa akin. Kung oras ko nang mamatay at mawala sa mundong ito ang diyos na ang bahala roon. Ayoko nang may masawi pa lalo na ang aking mga kaibigan kaya ililigtas ko sila kahit ikamatay ko pa. Alam kong napaka delikado ng aking gagawin dahil lalabanan ko ang salarin ngayong araw na ito. Kaya kung kung sino man ang mamatay sa amin sana ako 'yun. Dahil wala nang magbubuwis ng buhay para sa akin.
Nakita ko sa malayo na nagpapatayan ang dalawa si Maxine at ang salarin. Sa kilos niya ay galit na galit siya sa salarin dahil binaril nang salarin si Megan ang isa sa kaibigan niya rin. Binalikan ko si Megan na nakahandusay sa lupa. Nilapitan ko siya at dahan-dahan na umupo sa tabi niya halatang nanlulumo sa pangyayari hindi ko nais na mangyari. Bakit si Megan pa ang nabaril hindi na lamang ako? Bakit siya pa?
Bakit ang kaibigan ko pa?
"M-megan?"
End Chapter 9