Megan's Point of View "When do you saw me?" Napanganga ako dahil nakatingin na sa akin ang lalake na kanina lamang namin tinititigan ni Maxine. Ako ba ang kausap niya? Napalingon pa ako sa likod ko dahil naninigurado ako na ako nga ang kausap niya at hindi ang ibang tao. Mahirap mapahiya lalo na kapag may kausap kang gwapo tapos hindi ikaw ang kausap. Pighati. Natahimik na lang ako at hindi makapagsalita. Saan ko nga ba siya nakita? Pamilyar talaga ang mukha niya sa akin eh. Wait may naalala ako. Hindi lang isang beses kami nagkita nitong lalakeng ito. Maraming beses na. Palagi siyang nakasuot ng cap at wait lang yung kanina ko pang naamoy na mabangong pabango na madalas kong maamoy. Victoria Secret ang pabango niya hindi ako magkakamali. Ang bango niya sobra kaya maraming babae ang n

