Third Person's POV Sa oras na lumapit ang lalake sa kaniya kung wala lamang siya sa hawla ay mapapatay niya ito. Maraming beses na siyang nagtatangkang tumakas sa hawla ngunit nahuhuli siya ng lalake. Palagi siyang pinagtatangkaang patayin ng salarin. Hindi mawawala sa kaniya ang mga nakamarkang mga pasa sa kaniyang katawan. Sa braso, hita, likod at sa iba pang parte ng katawan nito. Kulang na lang talaga ay patayin siya nito. Nagkaroon pa nga ng tagpo na makakaalis na siya sa lugar ngunit inaabangan lang pala siya nito sa madilim na pasilyo. Maraming beses na siyang nagtangkang lumisan pero nahuhuli siya ng salarin. Gusto niyang humingi ng tulong ngunit sinong maniniwala sa kaniya? Kapag ba ikwinento niya sa awtoridad ang nangyari ay paniniwalaan siya? Ang salarin ay kasabwat ng go

