Dmitry’s Point of View Masayang masaya pa sila sa pinagkekwentuhan nila tuwang-tuwa pa sila? “Eh kanina ko pa napapansin na hindi ikaw yun eh,” Tumawa ang salarin habang ako naman ay nasusuka sa kanilang pinagkekwentuhan. Naalala ko pa ang ginawa ni Uno sa salarin halos umiyak na ang salarin sa kamay. “Don’t worry Uno pinagpanggap ko lang siya na ako dahil may inasikaso pa ako sa bago naming unit may pinatay lang ako,” saad nito kay Uno. Tumingin sa akin ang asul na maskara. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. Sino na naman ang puntirya nila? Naku wag naman sanang matupad ang nasa isip ko. Sana h’wag nilang pakialaman ang mga kapatid ko at si Mama. “Katulad ng sinabi mo sa akin Uno patay na si Mine-“ Pinutol ko an

