” i’ll kiss you when you punch me!|” panloloko ni lim sa kaniya pero parang hindi.. totoo ata yun alam ko naman lahat ng sasabihin ni lim eh pinanagutan niya. (inggit si lim)
----naiwan kaming dalawa
Nabasag ang katahimikan ng magsalita si neil
” babe! Kaganina pa kita hinahanap saan kaba nagsusuot?”nagtatanong na sabi niya habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay(lagot ka xaxire) lagot ako nito nagtatanong na si boss
”A-hh ehh! Paano ba? Eh kasi nag—”naputol ang sinabi ko ng halikan niya ako sa labi saka niyakap ng mahigpit. Bumitaw siya saka nagsalita
”babe pinag alala mo ako ng sobra.” saad niya..at niyakap ulit ako ng mahigpit pero biglang tumunog ang cellphone ni niel at napabitaw siya sa mahigpit na pagkakayakap.
(Phone’s ringing…)
>>>One new message
Nagsalita si niel
” please wait a little seconds.”
Saad niya saka tumalikod siya.
(epal #101) napaupo na lamang ako sa isang bench hyst salamat nakaupo narin ng maayos aba ikaw kayang patayuin ng matagal yang kumag na yan. Sino kaya yung nagtext pagabi na huh baka mommy niya yan nanaman ako nag dedaydream nanaman.
Baby neil nasaan kanaba? umuwi kana may dinner pa tayo ng girlfriend mo… (ano bakit ako napasama dun)
-MOMMY
Puff..pufff..puff..pumutok na lang ang pag iimagine ko sa kaniya na mommy niya ang nagtetext whahahaha.. binibaby siya ng mommy niya..
Napaubo na lamang si niel saka hinila niya ako di ko parin maiwasang matawa dahil sa daydream ko nayun. Teka back to normal bakit ba ako hinihila ni niel saan ba kami pupunta? Tanong ko sa isip ko.
”niel saan ba tayo pupunta?” kunot na pagtatanong ko sa kaniya habang tumakbo kaming dalawa. Napatingin siya sa relo niya sinisipat kung anong oras na. bakit ba nagmamadali itong taong to!! Siguro nga totoo yung dinidaydream ko kaganina sa kaniya.
”may meeting nga pala lahat officers buti na lang at nagtext si terrence kung hindi lagot tayo kapag nalate tayo lalong lalo na si Oceariz blood ang mag papameeting.”
may halong takot sa kaniyang ekspresyon. Teka ngayon ko lang narinig ang pangalan nayun oceariz blood? Sa kinatagal tagal ko rito ngayon ko lang yun narinig. At Bakit itong kumag nato dina ako tinatawag na babe. Teka bakit ba nasaisip ko yan. Diba palabras ngalang ang lahat ano kaba xaxire.
”niel sino si oceariz?”tanong ko sa kaniya. Agad namang siyang napahinto sa pagtakbo ganun rin ako. Pero tumakbo ulit siya at di nalang nagsalita.narinig ko na lamang pagbubuntong hininga niya.
Malapit na kami sa principal office at hapong hapo ako. Kaganina pa nagpapabalik sa aking isipan ang pangalan na OCEARIZ BLOOD sino ba talaga siya. DAHAN DAHANG Kumatok si niel sa pintuan. Puro buntong hininga ang naririnig ko sa kaniya.natatakot ba siya kanino? At sino?
Nagulat kaming dalawa nang may bumulyaw si principal return lang pala…
”PRESIDENT YHANIEL PAUL JAMES IMPERIAL?! Ano at bakit nalate ka nanaman?!...”bulyaw ni principal return sa kaniya na halos takipan niya lamang ang kaniyang tainga.
”EMERGENCY!!” Tipid na saad niya kay principal sabay pumasok kaming dalawa at umupo sa upuan katabi ko si neil dahil ako ang secretary niya. At sa kabilang side naman si Terrence ang bagong vice na dati ay si rizze ang ex ni neil.
Nakita ko si Terrence busy kakadudot ng cellphone. Nagulat kaming lahat ng ihampas ni principal return ang mga libro sa table sa nanlaki ang mata. Ayan lumalabas nanaman ang paging demonyo niya.
”Ano ba naman kayo puro kayo late hindi ninyo ba alam kung sino ang mag mimeeting sa atin—” putol nasabi ni principal ng umawang ang pintuan at dumating ang lalaking binata na nakasuot ng salamin putcha! Ang gwapo maputi, matangkad at red lips matangos ang ilong perfect package!! Grabe. Sh*t ang gwapo..siguro kaidaran ko lang to..
Mabilisang napaupo si principal return at saka umupo ng maayos.
Halos kaming lahat eh umayos ng upo ganun rin si Terrence at inayos ang upo niya at tinago ang cellphone niya.
nagsitayuan sila ganun rin ako gaya gaya lang..ang peg
” good evening prof. Oceariz Blood….” Saad nila huh nudaw
prof. Oceariz Blood yan ba talaga yun.. ang gwapo naman di nga eh ang bata nan.. pero nagulat ako ng lapitan niya ako at tiningnan mula ulo hanggang talampakan…napatagilid naman ang kaniyang ulo saka sinipat sipat ako. Kinilabutan ako…. Nakakatakot siyang tumingin. Aba ang ganda ko naman napansin agad ako.
”what’ yours name…?!” titig na tumingin sa akin putcha!! Nakakatunaw ka im melting na!! pero nakatungo ako ng kaunti
”M-my name is… Xaxire smith zion… prof!?” utal-utal na sabi ko. nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at saka itinaas.
”huwag kang matakot Ms. Xaxire. Maganda ka pala huh btw!! Im prof.OC… again.” saad niya saka nag wink sa akin gush im blushing ang ganda ko raw sus maliit na bagay prof.
Nakita ko naman si niel na parang galit nagalit at ikinukuyom ang kaniya kamay. Patabog siyang umupo at matalas na tumingin kay prof.
Nangyare don?! Nagseselos ba siya?!....tsk!! pake alam mo sa kaniya xaxire! O baka naman concern ka sa kaniya.tssk! NEVER!!
Neil’s POV
Bigla na lamang napahinto sa kinatatayuan namin ang si prof.at napatingin kay xaxire. Aba nagkakatitigan pa ang dalawa. Halos ang dibdib ko ay parang nagagalit nagseselos ba ako? Palabas lang naman ang lahat ah.yung pagtawag ng babe sa kaniya parang nagugustuhan kona…totohanin ko kaya!! Bakit ako maapektuhan BTW..ako nga pala si yhaniel paul james grey imperial. President concilour ng slain university.
”what’ yours name…?!” napintig ang tenga ko nang magsalita si prof .aba hindi pwede yan. Ito namang xaxire nato enjoy na enjoy pa sa ginagawa niya sige makipaglandian kapa prof..
”M-my name is… Xaxire smith zion… prof!?”
Utal utal na saad niya. Aba nag wink pa!! at inayos pa ang hawi ng buhok! At nagkagat labi pa.. diyos ko maryusep!! Anak ng sampung tiruray nga naman. Aba at ito namang kuya ko ay may pagtaas pang nalalaman sa baba ni xaxire. Pigilan ninyo ako. Kungdi masasapak ko tong prof. to aba!!
Nagtitimpi pa ako isa… dalawa..
”huwag kang matakot Ms. Xaxire. Maganda ka pala huh btw!! Im prof.OC… again.”ano sasapakin ko naba nakakayamot na.. nakakainis kana.. huh napahawak na lang tuloy si Terrence sa balikat ko saka nagtaas ng kaliwang kilay. Ano nababakla na ba siya..
“neil nagseselos kaba…?!”bulong ni terrrence sa akin
Ako magseselos sa kanila hindi ah!! Nono!!
“tsk! No!” sabi ko sabay iling- iling ko nahalos mababale na ang leeg ko patay yung sinabi ko napalakas siguro bakit sila napahinto at mukhang nakatingin sila sakin lahat saka bigla na lamang akong siniko ni Terrence
“talaga ba pards!!”sabi niya ng pabulong.. talagang hindi…neil talaga bang hindi…di ko napansin nakatingin na pala sakin si xaxire. Aba concern siya huh.. utot mo!!
“okey btw… ito ang magiging schedule ng events sa slain university…”seryosong saad ni prof.