Sabina SINALUBONG kami ng pamilya ko pagdating namin sa Manila. Agad na tumakbo si Mommy sa akin at niyakap kaming dalawa ng kapatid ko. “Hi, Mom,” pagbati ko sa kanya kahit wala akong gana. Pinilit ko na ngumiti kahit hindi ko naman talaga gustong ngumiti. Lumapit din si Daddy sa amin. Kinausap siya ni Kuya at may sinabi sa aming ama. Alam ko na kaagad na tungkol ito sa nangyari sa Puerto Rivas. Mas lalo akong naging sigurado nang makita ko ang pagtingin ni Dad sa akin. “How are you, Sab?” Tumingin ako kay Mommy. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “I’m okay, Mom.” “Sabina…” Napatayo ako nang tuwid at tumingin kay Dad. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Ganoon din si Kuya. “I need to talk to you. Follow me.” Tipid akong ngumiti kay Mommy bago ako sumunod kay Dad. Sumu

