Chapter:1

2119 Words
Malakas ang ulan. Tila may sama na naman ng panahon.Hindi mapakali ang nanay ni Elena na si Aling Mercedes. Maya't maya ang pag tanaw na ginagawa nito sa bintana nila na gawa sa kawayan. Gumagabi na pero hanggang ngayon ay wala pa ang tatay niya at ang nakababata niyang kapatid na si Lowell. "Nay,maupo ho muna kayo. Baka po sumilong lang sina tatay,kaya wala pa. " Pang lilibang na wika niya sa kanyang ina na bakas sa mukha ang pag aalala.Malalim itong humugot ng hininga. "Hindi ko maiwasan ang hindi mag alala. Malakas ang ulan,Elena,Baka kung ano na ang nangyari sa tatay at kapatid mo."wika nito. Nilapitan niya ang ina at dinala ito sa mahabang upuan na gawa sa kawayan. Pinaupo at kinalma niya ang ina. “Nay,tama na po ang pag-aalala. Baka mamaya atakihin na naman kayo sa puso.”pang-aalo niya sa Ina. Saka ikinuha niya ng tubig ang ina sa tapayan.Maging siya man ay nag-aalala na din sa kanyang ama at kapatid.Hindi lang niya pinahahalata sa ina. Bakit nga ba wala pa ang kanyang itay at ang kapatid niya. Nasaan na ba ang mga ito?Sa tinagal-tagal na naglalako ng mga aning gulay at prutas ng kanyang ama sa bayan ay ngayon lang ito ginabi. “Nay,inumin n’yo po muna itong tubig.”ani niya sa kanyang ina na hindi parin mapakali kahit nakaupo na ito ay panay pa din ang dungaw sa bintana. Kinuha nito ang tubig at sunod-sunod na nilagok iyon. Makalipas ang isang oras na paghihintay ng sa di kalayuan ay may natanaw sila na ilaw na nanggaling sa isang flashlight. Sabay pa silang na patayo ng kanyang ina ng mapag tanto na sa kanilang bahay ang tungo ng ilaw na natatanaw nila. “Iyan na siguro ang ama at kapatid mo.”ani aling Mercedes na hindi na nakapag hintay pa na kahit malayo pa ang ilaw na patungo sa kanila ay nagmamadaling binuksan ang pinto ng kanilang bahay. Hindi nga nagkamali ang kanyang ina. Ang kapatid at tatay na nga niya ang dumating. Ngunit nag taka sila ng kanyang ina ng makita na may isa pang kasama ang mga ito. Isang lalaki na walang malay tao.Magkatulong na buhat iyon nang kanyang tatay at kapatid.Nag katinginan sila ng kanyang ina.Parehong nag tataka. “Diyos ko!Victor,bakit ngayon lang kayo?Nag alala ako ng sobra sa inyo.”wika ni aling Mercedes. “Pwede ba, ay paraanin nyo muna kami ni Lowell.”wika ng kanyang ama. Na basang basa din ng ulan.Nilakihan naman ng inay Mercedes niya ang pagkabukas sa pintuan. “Sino ba yan,Victor?Tsaka bakit walang malay yan?”muli ay tanong at usisa ni aling Mercedes. Habang naka sunod ito sa kanyang itay. Dinala ng kanyang ama ang walang malay na tao sa kanyang kwarto. “Elaina,mag latag ka nga ng banig. Dito na muna s’ya,sayong kwarto habang wala pang malay.” wika ng kanyang itay. Agad naman siyang tumalima sa utos ng ama. Habang nag lalatag ay panaka-naka ang pag tingin niya sa lalaking walang malay. Basang basa ito. May mga pasa at sugat din itong tinamo.Sa kabila ng hitsura nitong puro pasa at putik ay hindi naman maipagkakaila na may hitsura ang lalaki kahit pa nga puro putik ang mukha nito.May kaputian ang lalaki. Nakaagaw din pansin sa kanya ang mala mestisuhin nitong hitsura. Maputi at kay lalantik ng pilik mata. May kalakihan na pangangatawan.Katulad ng mga nakikita niya sa magazine may katangkaran din itong tao. Nakakasigurado syang dayo ito dito sa lugar nila.Matapos makapag latag ng banig ay marahan inihiga ng kanyang tatay at kapatid ang lalaki. “Hindi ko rin kilala,Mercedes. Nakita lang namin siya ni Lowel, sa kakahuyan na walang malay tao.”saad ng kanyang ama matapos maihiga ang wala pa rin malay na lalaki. “Sigurado ay dayo ito dito sa atin.Kakaawa naman ang sinapit niyan.”saad naman ng kanyang ina na ngayon ay may dala-dala ng basang towel at maligamgam na tubig.Saka inabot iyon sa kanya. “Ano po gagawin ko dito inay?”takado at inosente niyang tanong sa ina. “Linisan mo na, anak,at aasikasuhin ko lamang ang tatay at kapatid mo.”wika ng kanyang Ina at lumabas na ng silid kasama ang tatay at kapatid niya.Hindi niya malaman ang gagawin.Napakamot ang dalaga sa sariling ulo.Ilang minuto na nakalabas si aling Mercedes ay hindi pa din niya magawa na linisan ang walang malay na lalaki. Hanggang sa sumilip ng silid ang kanyang kapatid “Ate,kakain na tayo.”wika ni Diday na nakababata at pang tatlo sa kanilang magka kapatid.Alanganin niyang tinapunan ng tingin ang lalaki na wala pa rin malay. “Ate,di’ba, sabi ni nanay linisan mo yan.”saad nito. “Ikaw na kaya mag linis sa lalaking ito,Diday”alinlangan niyang turan sa kapatid na napakamot sa ulo at na panguso pa dahil sa sinabi niya. “Ate naman,ikaw na. Ikaw inutusan ni nanay e,”reklamo nito sa kanya saka muling umalis sa pinto.Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago lakas loob na linisan ang lalaki.Sa unang hawak niya sa lalaki ay bigla na lang bumilis ang pintig ng kanyang puso. Parang tambol na dumadagundong iyon sa loob niya dahil sa mabilis na pagtibok noon.Dahan-dahan niyang nilinisan ang mga kamay at braso ng lalaki. Pagkatapos ay sinunod naman niya ang mukha nito na puro galos,pasa at putik. May malaking sugat din itong tinamo malapit sa noo.Maingat na ipinunas niya sa mukha ng lalaki ang basa at maligamgam na towel. Halos pigil niya ang sariling pag hinga sa takot na baka magising ang lalaki. Nakahinga lang siya ng maluwag ng matapos niyang linisin ang lalaki. Napakamot siya sa sariling ulo ng makita ang basang damit ng lalake. Sa laki nito ay panigurado syang ‘di niya ito kakayanin. Kaya naman ay panandalian siya lumabas ng kwarto at tinawag ang ama. “Tay,basa ang kanyang damit. Hindi ko po kakayanin kung ako ang mag papalit.”saad niya sa ama sa nakaupo sa bangko na kawayan at umiinom ng mainit na kape. Agad naman na tumayo ito. “Tapos mo na ba linisan?” “Opo tay,pag papalit na lamang po ng damit ang kailangan.” “Kumain kana,ang tatay mo na ang bahala sa pagdadamit doon.”saad ng kanyang ina. Umupo siya sa tabi ng kapatid niyang si Alora na busy sa pagkain nito. At nagsimula na din na kumain. “Sino kaya yung lalaki na yun,nay?Mukhang hindi taga rito sa atin.”saad ni Lowell sa kanilang ina na ngayon ay kumakain na. Mariin na umiling si aling Mercedes. “Hindi ko alam.Baka dayo lamang dito yan sa aten. O,baka naman naligaw dahil sa lakas ng pag ulan.”ani aling Mercedes. "Lowell,samahan mo ako sa tindahan."saad ni tatay Victor na kalalabas lamang sa kwarto kung saan naroroon ang estrangherong lalaki. Kinuha nito ang sombrero sa likod ng pinto na gawa sa kawayan at isinuot iyon.Medyo malayo layo ang kanilang bahay sa tindahan. Kaya kapag ganitong maulan ay tunay na napaka hirap bumili lalo na at maputik. Kailangan ni mang Victor ng makakasama sa pag bili dahil na rin sa lagay ng panahon. "Bakit po tay, may nakalimutan pa po ba tayo bilhin kanina?"tanong ni Lowell na minadali na ang pagkain.Umiling si mang Victor saka kinuha ang tasa na nag lalaman ng kape at inisang lagok iyon. "Wala tayong gamot dito sa bahay. Nilalagnat yung lalaki. Kailangan niya uminom ng gamot. "ani mang Victor. Nang matapos ang pag kain ni Lowell ay agad na umalis ang mga ito upang bumili ng gamot sa tindahan.Habang sila naman ng kanyang inay Mercedes ay naiwan sa hapag kainan kasama ang anim at maliliit pa niyang mga kapatid. ''Ano kaya ang nangyari sa lalaking yun nay? "tanong ni Diday sa inay Mercedes niya. Napailing si Aling Mercedes. "Hindi ko alam,anak.Baka sa lakas ng ulan ay naligaw dito sa atin.Alam nyo naman na mahina o malakas na pag ulan ay napaka delikado at madulas ang mga daanan dito sa atin." "Kawawa naman si kuya, nay,kita ko po kanina daming sugat at pasa niya sa mukha at katawan."sabad naman ni Kokoy na pang apat sa kanilang mag kakapatid. "Kaya nga. Mabuti na lamang at nakita nang inyong tatay at kapatid.Sige na, tapusin nyo na ang mga kinakain nyo at magsi pag linis na kayo at matulog na."utos ng inay Mercedes niya sa mga kapatid.Sya naman ay tapos ng kumain kaya tumayo na at pumunta sa kabilang silid tulugan kung saan natutulog ang mga nakababata pa niyang kapatid. Nag latag siya ng banig pagkatapos ay nag lagay siya ng mga unan. Pinag dikit dikit niya ang mga iyon dahil kulang na kulang sila pag dating sa unan.Saktong katatapos lang niya sa paglalagay ng mga unan ng nagsipag sulputan ang mga kapatid niya. At nag sipag unahan sa pag higa. Agad na pumuwesto si Jenny ang pang pito sa magkakapatid sa pinakang una. Ngunit sumiksik naman doon si Lucy na pinaka bunso sa kanila. Nag aagawan ang dalawa sa pwestong iyon. "Dito ako,Lucy. Humanap ka ng matutulugan mo."yamot na sambit ni Jenny sa kapatid. Ngunit nag matigas naman ang bunso nila at pilit na pinaaalis doon si Jenny. "Dito ako ate. Alis ka."umiingit na saad ni Lucy. Napabuntong hininga siya ng malamlim. Madalas ay ganito ang kanilang scenario kapag matutulog na. Ang mag kagulo ang mga bata niyang kapatid. Marahil sa mga batang edad pa kasi ang mga ito. Paano ba naman kasi ay halos iisang taon lamang ang pagitan ng mga ito at sunod sunod ng nasundan pa. Maliban sa kanila ni Lowell na apat na taon ang pagitan nila. Siya ay bente dos samantalang si Lowell naman ay dese-otso pa lamang. "Oy,oy,walang mag aaway ah."saway niya sa dalawa na patuloy sa pag aagawan sa pwesto ng hihigaan. Agad din naman tuimigl ang dalawa niyang kapatid. "Jenny,ikaw na ang mag bigay."ani niya kay Jenny na lukot pa rin ang mukha dahil sa inis sa bunso nilang si Lucy. Napakamot pa ito sa sariling ulo dahil sa sinabi niya. "Ate,ako naman ang nauna dito eh," "Oo nga. Kaya laang,Jenny ikaw ang matanda at pangany kay Lucy,kaya mag bigay kana.Hayaan mo,kapag gumaling at nakaalis na yung lalaki doon sa kwarto ko,doon kana din matutulog. "nakangiti niyang saad sa kapatid. Pampalubag loob man lang. Nakanguso na bumangon ito saka ibinigay Ang pwesto kay Lucy. "Sige na nga. Oh Lucy, narinig mo yun ah. Doon na ako matutulog sa kwarto ni ate kapag wala na doon yung mamang lalaki." "Sige na. Mag sipag tulog na kayo."ani niya na agad naman sinunod ng mga Kapatid niya. Kanya kanya na ang mga ito sa pag higa at mga natulog na. Siya naman ay pinuntahan ang ina na nasa kusina na nag liligpit ng mga pinagkainan nila. "Nay, ako na po diyan.Matulog na po kayo."presenta niya sa inang nag huhugas ng mga plato. "Ako na. Tingnan mo na lang yung lalaki na nasa kwarto mo.Punasan mo na rin ng basang towel. Baka tumaas pa ang lagnat noon. "utos ni aling Mercedes na ipinag patuloy ang pag huhugas sa mga plato. Sya naman ay walang nagawa sa utos ng ina. Kahit pa nga ay ayaw niyang gawin ang utos ng ina ay wala naman syang magagawa na. Ewan ba niya sa hindi niya malaman dahilan ay bigla na lang bumibilis ang pintig ng puso niya. Lalo na kapag napadikit ang balat nito sa mga balat niya. Pakiramdam niya ay nakukuryente siya.Malalim siyang napahugot ng hininga.Kumuha siya ng malinis na towel at binasa iyon ng maligamgam na tubig. Nilagyan na din niya ng alcohol. Pagkatapos ay sinimulan na niya iyon idampi dampi sa noo ng lalaki na inaapoy nang lagnat. Hindi sinasadya na napatitig sa mukha ng lalaki.Dala ng sobrang kaba,ay hindi niya napansin kanina na may hitsura ito.Matangkad na maputi ito. Ang ilong ay kay tangos. Ang pilik mata ay kay lalantik. At ang mukha ay kay kinis na para bang hindi nito naranasan ang magkaroon man lang ng tagihawat sa mukha. Ngayon niya nasisiguro na dayo nga ang lalaking ito dito sa bayan nila. Hindi man sya marunong bumasa,ngunit kahit paano ay marunong naman sya kumilatis ng tao. At sa tingin niya ang isang 'to ay hindi nila kagaya na salat sa pamumuhay. Sa suot na damit nito ay masasabi niya na maayos ang buhay nito. Patapos na niya itong punasan ng sumulpot ang tatay niya. Iniabot sa kanya ang isang plastic.Nag lalaman iyon ng gaza,betadine,at mga gamot. "Ikaw na muna ang tumingin tingin diyan.Medyo masama na rin ang aking pakiramdam.Pasasamahan na lamang kita kay Lowell. "ani mang Victor.Gusto sana niyang tutulan ang sinabi ng ama ngunit kita niya na pagod na din ito. Kaya nanahimik na lamang siya. Siguro naman ay hindi masamang tao ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD