Tahimik na naglalakad lang ako sa campus. Paikot-ikot lang naman ako sa open field ng MHIS habang nag-iisip na naman. Ako pa lang yata ang nakakaalam na fiance siya si Dean Havana o baka nga wala talaga silang balak ipaalam sa lahat. Eh, paano ang kasal? Secret marriage, gano'n? Wait... Bakit ko ba pinag-iisipan ang set-up ng kasal nila? Ilang araw din akong umiwas sa kanila. Kahit isang kilometro pa ang layo nila sa 'kin ay kaagad na lumilihis na ako ng landas. Ang signing up naman sa attendance ay nasa Dean's Office talaga. Ang ginagawa ko ay inaagahan ko na ng pasok hindi ko makita si Havana sa kaniyang opisina. Kapag out naman ay inuuutasan ko na lang si Marciella o Kenshane. Puwede naman 'yon. Sa umaga lang talaga ang hindi. Teka... nakailang ikot na kaya ako? Medyo nakakahil

