"Ellie! Bilisan mo! Kasal ngayon ng ate mo!" sigaw sakin ni mama "Ma, si ate ang ikakasal hindi ako! Mauna na kayo dun susunod na lang ako!" sagot ko. Di ko na nga alam kung anong gagawin ko kina mama at papa eh. Parang sila ang ikakasal! Dalawang linggo na nilang sinusukat yung isusuot nila para ngayong gabi! "Eh sinong kasabay mo?" nag aalalang tanong ni mama. "Pupunta po dito si Chester. Hahatid nya ako dun" "O sya, mauna na kami!" she excitedly said. Today is my sister's big day. At kailangang magustuhan nya yung mga surprises para sa kanya kasi, putspa lang, kasama ako sa nag ayos nun! Ilang araw din naming inayos yung venue ng kasal, at kung ako si ate? Lalagyan ko na ng diamond na helmet si Dion para di na maumpog at matauhan. Hindi naman ako matagal kung mag ayos pero kasi!

