"We are here!" Dean announced Bumaba naman ako kaagad sa sasakyan nya at tinanggal ang helmet ko kaya naalala ko na naman na dalawa ang dalang helmet ni Dean Duh, ano bang problema kung dalawa ang dala nyang helmet? Anong ano ang problema? Malaking problema yun! Para kanino yung isang helmet? Baka may isinasakay syang ibang babae sa motorbike nya! Ibig sabihin habang wala ako nakahanap na talaga sya ng kabet! Argh! Akala ko ba galit ka sa kanya at ayaw mo ng makasama? May palayas layas effect ka pa nga nun eh! So, walang masama kung makahanap sya ng iba Anong walang masama? Paano na si Krone? Lalaki na talagang syang walang ama ganon? Naitago mo nga kay Dean si Krone eh, siguro naman kaya mo ding itago si Dean kay Krone Hindi ko itinago si Krone okay, hindi ko lang sinabi ang tungko

