"Siguraduhin mo lang na mabait talaga yung lolo mo kung hindi! Naku! Uunahan ko na yung tatay mo sa p******y sayo!" litanya ko kay Chester. Nandito na kasi kami sa tapat ng palasyo ng lolo nya. Palasyo talaga kasi parang replica ng Buckingham palace to eh! "Naman! He's somewhat weird pero you'll survive!" di ko alam kung pinapalakas ng taong to ang loob ko o pinapakaba pa ako lalo. Paano kasi feeling ko makikipag usap ako sa isang royalty "Tangina! Dapat kasi gabi na lang tayo pumunta eh!" reklamo ko. Pota kasi tong baklang to e, pagkarating palang dun sa resto, di pa ako nag aalmusal, niyakag na kaagad akong umalis "Ngayon ka pa nagtantrums na babaita ka! Eto na o! Fighting!" sabi nya nakataas pa ang kamao "Señorito, hinahantay na po kayo ni master sa loob" sabi ng isang unipermadong

