Sa kabila ng palaisipang iniwan ng itim na nilalang kay Rigel, ay hindi pa rin nabawasan ang kaniyang pagkagiliw sa kaniyang anak na si Hunter. Tunay ngang malaki ang pagkakahalintulad nila ng kaniyang anak. Lahat yata nang pisikal niyang katangian ay nakuha nito. Maliban sa kakaibang kulay ng buhok nito. Tila ito nagngangalit na apoy sa tuwing pagmamasdan niya iyon. “Mahal kong Reyna, bakit tila hindi nakuha ng ating anak ang iyong buhok?” tanong niya sa kaniyang kabiyak habang tangan nito ang kanilang anak. Tumingin ito sa kaniya’t ngumiti. “Mahal kong hari, huwag kang mag-alala sapagkat ganito rin ang kulay ng aking buhok noong ako’y isinilang. Hayaan mo’t paglaki ni Hunter at natitiyak kong magiging ganito rin ang kaniyang buhok,” mahaba-habang litaniya nito sa kaniya. “Siya nga?” n

