Pabagsak na naupo sa sofa ng kaniyang silid si Darius. Sumakit na naman ang ulo niya kay Shiny Star ngayong araw. Kagaya ng mga nakaraang araw, naisahan na naman siya ng dalaga. Akala pa naman niya ay makakaganti na siya sa dalaga, ngunit nagkamali siya. Maling-mali talaga ang ideya na dalhin niya ito sa mall para gawing tagabitbit. Dahil sa bandang huli, siya pa rin ang bumitbit ng mga pinamili niya, at may bonus pa! Siya rin ang nagbayad sa mga stuffed toys na pinagkukuha nito kanina. ‘Kailan kaya ako makakaganti sa babaeng iyon?’ tanong pa niya sa kaniyang sarili. Napabuntong hininga na lang siya saka isa-isang binuksan na lang ang kaniyang mga pinamili. Napangiti pa siya dahil wala ni isa sa sinabi ni Shiny Star ang kaniyang sinunod. ‘At least doon man lang nakabawi ako,’ nakangis

