“Mga inutil!” bulyaw ni Artes sa kaniyang mga kawal. Nang makabalik kasi siya galing sa sa piitan kung saan niya ikinubli ang mga hari, reyna at prinsipe ng planetang iyon, ay wala na ang tungkod na kinaroroonan ng kristal na pinagkublihan niya kay Rigel at Shiny Star. “Paanong may nakapasok sa loob ng aking palasyo ng walang nakaaalam? Ano pang silbi ninyong lahat na mga kawal kung napupuslitan kayo ng mga kaaway?!” muli niyang bulyaw sa mga kawal na nagbabantay sa buong palasyo. “Ipagpaumanhin niyo mahal na Artes, ngunit wala kaming nakitang anoman o sinomang nilalang na pumuslit sa loob ng palasyo,” sagot ng isang kawal. Nanlilisik ang kaniyang mga matang sinulyapan ang kawal na nangatwiran sa kaniya saka ito inundayan ng kaniyang sandata. Agad na binawian ng buhay ang kawal na si

