Chapter 29

1628 Words

“Uyyy, prinsesa ha, mukhang iba na iyang ikinikilos ni Darius. Mukhang gusto ka na niya! Ayyyiiieee!” panunukso ni Glitter sa kaniya. “Oo nga! Ayyyy!” magkapanabay namang wika nila Shimmer at Sparkle. Kinikilig-kilig pa ang tatlo niyang tagapangalaga habang inaayusan siya ng mga ito. Natatawa naman niyang pinagkukukurot ang mga ito. Naghagikhikan lang naman ang mga tagapangalaga niya habang umiilag sa kaniyang mga kurot. “Tigilan niyo nga ako. Hindi naman magkakagusto sa akin si Darius eh. Malabong mangyari iyon,” aniya sa mga ito. “Teka, bakit naman hindi? Eh maganda ka naman prinsesa,” sabi ni Shimmer sa kaniya. “Hayyy, basta! Tapusin na natin ang pag-aayos baka mamaya dumating na iyon, at magalit na naman dahil hindi pa rin ako tapos dito.” Impit na tawa pa niya sa mga ito. “Ayyy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD