Chapter 22

1604 Words

Ilang panahon na ang lumipas at malaki na ang anak nila Haring Rigel at Reyna Twinkle na si Hunter. Kagaya nga nang sinabi ng mga magulang ni Shiny Star, lumalaking magiting ang anak ng mga ito. Bata pa lamang ay nakikitaan na ng mga ito si Huter, nang pagiging-mahusay sa pakikipaglaban. Sa murang edad nito ay tinuturuan na ni Rigel ang kanilang anak na humawak ng sandata na labis namang ikinababahala ni Twinkle. Masyado pang bata ang kaniyang anak, dapat sana’y nakikipaglaro pa ito sa mga batang kagaya nito. Ngunit wala naman siyang magawa sapagkat tila naaaliw rin ang kaniyang anak sa ginagawa nito. “Mahal kong hari, hindi ba’t dapat ay nakikipaglaro pa ang ating anak sa mga batang Orion at Sirian? Masyado pang bata si Hunter upang turuan sa pakikipagdigma,” aniya sa kaniyang kabiyak na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD