Nag-alala si Marcelo ayaw niyang nasa bahay nila si Rachelle dahil kahit nabubuhay pa si Mercedes ay hindi papayag 'yon dahil magkaaway sila ni Rachelle. Ayaw niyang saktan si Mercedes kahit nasa kabilang buhay na ito pero gusto ng kaniyang lola na pansamantala muna si Rachelle sa mansion habang hindi pa ito nanganganak. At naisip din ni Marcelo para na rin sa kaligtasan ng kaniyang anak, kaya hayaan niya lang muna si Rachelle na sa mansio muna mag-stay hanggang sa mailabas na nito ang kanilang anak. Mahal na mahal ni Marcelo si Mercedes kaya kahit ano'ng gagawin niya ay hindi pa rin niya makalimutan ang kaniyang asawa lalo na ang kanilang mga happy memeries. Si Mercedes ang nagbibigay sa kaniya ng totoong kasiyahan sobrang nawawalan na siya nang ganang mabuhay sa pagkawala ni Mercedes. Hi

