"Marcelo bakit ngayon ka lang umuwi? Napapadalas na yata ang pag uwi mo ng late. May tinatago ka ba sa 'kin?" tanong ni Mercedes habang nakapamewang. "Asawa ko wala akong tinatago sa 'yo. May tinatapos lang ako na trabaho sa opisina." sagot nito. "Opisina? Anong oras na Marcelo? Mag 11:00 pm na ng gabi! May kabit ka ba? May babae ka ba Marcelo?" tanong nito. "Asawa ko wala akong kabit. Hindi ko magagawa 'yan sa 'yo dahil mahal na mahal ko kayo ng anak natin." paliwanag nito. "Okay Marcelo, ito ang tatandaan mo sa oras na malaman kong niloloko mo ako. Hindi mo na kami makikita pa ng anak mo!" sigaw ni Mercedes kay Marcelo. "Asawa ko wala nga akong babae. Wala akong kabit promise. Hindi kita niloloko. Asawa ko, huwag mo akong pagdudahan kasi ikaw lang ang laman ng puso ko. Kayo lang ng

