Kinabukasan pumasok si yaya Patricia sa kuwarto ni Rachelle para maglinis ng kuwarto, nasa garden kasi si Rachelle kaya nagmamadali siyang pumasok para maglinis. Pagpasok ni Rachelle nakita niyang naglilis si yaya Patricia nagagalit siya dahil ayaw niyang meron pumasok na ibang tao sa kaniyang kuwarto. “Next time ayaw kong pumasok ka na lang dito nang basta-basta. Ayaw kong may ibang tao sa kuwarto ko!” singhal ni Rachelle sa katulong. “Ma’am Rachelle I’m sorry. Huwag naman kayong magalit nang ganiyan, okay bukas hindi na ako maglilinis dito.” Sagot ng katulong. “Lumabas ka na sa kuwarto ko!” singhal ni Rachelle. Nakita ni Donya Claudia na umiyak si yaya Patricia galing sa kuwarto ni Rachelle. Kaya agad niya itong nilapitan at tinanong kung ano ang nangyari. “Yaya ano’ng nangyayari?

