"Wala na Marcelo, wala na tayong dapat pang pag usapan. Umalis ka na please... Iwanan mo na ako!" "Mercedes hindi ako aalis, gusto kong dito lang ako sa tabi mo. Aalagaan ko kayo ng anak natin. Pagluluto kita at ako ang mag aasikaso ng mga gamit mo. Ako ang maglalaba ng mga damit mo. Pakiusap huwag mo lang akong paalisin sa buhay mo." "Marcelo bakit ba ang tigas ng ulo mo? Mas lalo mo lang akong pinapahirapan! Ang gusto ko lang ay mawala ka na sa buhay ko dahil ayaw ko ng dalhin pa ang pangalan mo!" "Mercedes ayaw ko! Ayaw ko! Dito lang ako sa tabi mo! Hayaan mo akong pagsilbihan ka." "Bakit ba ang kulit mo Marcelo!? Ano ba ang gusto mo?" "Mercedes gusto mong malaman kung ano ang gusto ko? Gusto mong malaman kung bakit sinundan kita dito huh?" "Bakit Marcelo? Bakit mo ba ginugulo ang

