Mercedes no! Relax ka lang, mapapahamak ka sa gagawin mo eh. Paano kung makita ka ng mga tauhan ni Rachelle at patayin ka! Tutulungan kita pero huwag kang padalos dalos dahil mahalaga ngayon ang bawat segundo. Hindi ka ligtas Mercedes, ilalabas kita pero kailangan natin paghandaan ang lahat." "Alfred tulungan mo ako. Kailangang iligtas ko ang anak ko sa hayop na Rachelle na 'yon!" sigaw ni Mercedes. "Kukunin ko ang loob ni Rachelle at paniniwala ko siya na kakampi niya pa rin ako. Kunwari tutulungan ko siya sa kanyang mga plano. Mercedes naiintindihan kita kung hindi mo ako mapapatawad pero hayaan mo akong tulungan ka. Dito ka lang, hindi ka pwedeng lumabas. Ihahanda ko muna ang labas bago kita ilalantad sa pamilya mo. Plano niyang agawin ang company mo Mercedes." "Ano? Ang kapal ng muk

