“Lola, naintindihan po kita pero paano ko ba sasabihin kay Rachelle na hindi ko na tutuparin ang pangako ko sa kaniya? masasaktan ko siya lola, ang laki ng kasalanan ko sa kaniya siya ang girlfriend ko pero nakabuntis ako ng iba, at kahit sa ginawa kong kasalanan sa kaniya minahal niya pa rin ako, tanggap niya ako lola, at si Mercedes hindi ko alam kong mahal ba ako nang babaeng ‘yon!” Wika ni Marcelo. “Alagaan mo ang mag-ina mo Marcelo hiwalayan mo na si Rachelle!” singhal ni lola Claudia. Nagulat siya nang biglang sumupot si Rachelle sa kanilang harapan. “Lola hindi po ako papayag sa gusto niyong mangyari, mahal na mahal ko ang apo niyo at ako lang ang may karapatan sa kaniya hindi ang Mercedes na ‘yon, nasasaktan ako lola tayo ang mas unang nagkakilala pero si Mercedes ang gusto mo.

