"Huwag mo akong hawakan Marcelo! At ikaw Rachelle, siguro tanga lang ako pero hindi ako malandi katulad mo! Nagpabuntis ka sa taong may asawa? Sinong malandi sa ating dalawa Rachelle?" tanong ni Mercedes kay Rachelle. "Ako ang unang minahal ni Marcelo!Inagaw mo lang siya sa 'kin! Binabawi ko lang ang akin Mercedes! huwag kang umasta na akala mo ikaw ang biktima! dahil ikaw mismo sa sarili mo alam mong inagaw mo si Marcelo sa akin! kaya huwag kang magagalit kung naiisahan kita dahil sinisingil lang kita sa pagkakautang mo sa akin!" sigaw ni Rachelle kay Mercedes. "Sigurado ka Rachelle? Na pag-aari mo si Marcelo? Ikaw ang girlfriend niya pero ako ang pinakasalan at ako ang mahal niya. At malinaw naman na wala pa kayong marriage contract bago kami nagpakasal ni Marcelo! boyfriend mo lang s

