Nagtataka si Mercedes na hindi na umuwi si Marcelo, kaya’t tinawaga niya si Donya Claudia kung nasa kanila ba ito natutulog, sinabi ni Donya Claudia na nag out of town ang kaniyang apo. Nagtataka si Mercedes kung bakit hindi nagpaalam si Marcelo sa kaniya. Hindi naman sila nag-aaway pero pakiramdam niya ay iniiwasan siya ni Marcelo. “Carla isarado mo na ang gate walang Marcelo na uuwi.” Malungkot na saad ni Mercedes. “Ma’am Mercedes, alam kong mahal mo na si Marcelo. Pero hindi tama ang mga ginagawa niya hindi man lang siya nagpaalam sa ‘yo Kung saan siya pupunta. Asawa ka niya karapatan mong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya.” Singhal ni Carla. “Wala akong karapatang maglikramo Carla, kaya huwag ka nang mag-ingay diyan hindi ikaw ang asawa. Gawin mo na lang ang sinasabi ko

