"Rachelle, buhay pa kami ng anak ko. Hindi tumalab ang lason na nilagay mo sa pagkain ko. Nagulat ba kita Rachelle?" tanong ni Mercedes kay Rachelle. "Mercedes wala akong alam sa sinasabi mo! Hindi ko kayang gawin 'yan sa inyo. Baka nagkamali lang ng findings ang mga doctor." saad ni Rachelle. "Ang asawa ko na ang bahala sa 'yo Rachelle. Ayaw na kitang kausapin pa. Mahina pa ang katawan ko dahil sa lason na pinainom mo sa 'kin. Alam mo Rachelle iniisip ko na may karapatan ako kay Marcelo. Dahil asawa ko siya, binabawalan na kitang lapitan ang asawa ko!" dagdag pa ni Mercedes. "Mercedes, huwag mong kakalimutan na ako ang girlfriend ng tinawag mong asawa! Hiniram mo lang siya sa ‘kin! Mahal mo na ba ang boyfriend ko? Ibalik mo na siya sa 'kin bago pa kita mapatay kasama ng sanggol na nasa

