Abala si Marcelo dahil marami siyang pinirmahan nang biglang pumasok si Rachelle sa kaniyang opisina.Nagulat si dahil Hindi man lang ito kumatok sa pinto bago pumasok. "Marcelo, nagulat ba kita? Hahaha Magugulatin ka na pala ngayon? Kumusta ka na?" tanong niya kay Marcelo. "Rachelle, anong ginagawa mo dito akala ko ba malinaw na sa ‘yo ang laha?" tanong ni Marcelo. Hindi ka na dapat pumunta pa dito. Nag-usap na tayo at malinaw naman siguro sa 'yo na wala na tayo." dagdag pa nito. "Marcelo seryoso ka ba? Ang limang taon natin ipagpapalit mo lang sa babaeng 'yon? alam kong ako pa rin ang mahal mo naawa ka lang sa kaniya dahil buntis siya, Marcelo alam kong miss na miss mo na rin ako." Wika ni Rachelle habang hinahaplos niya ang mukha ni Marcelo. "Rachelle please, tama na. Tatlong buwan na

