Nauna nang pumunta si Mercedes sa mansyon ni lola Claudia, ang sabi kasi ni Marcelo ay meron pa itong dadaanan kaya ma-late siya. Wala nang nagawa pa si Mercedes. Dumaan siya sa isang flower shop at bumili siya ng bouquet ng bulaklak. Bumili na rin siya ng mga imported na chocolate para pasalubong niya ka lola Claudia. Lola Claudia, kumusta na po kayo? Pasensya na po kung minsan lang akong makadalaw sa inyo." Nakangiting wika ni Mercedes at hinalikan niya si Donya Claudia sa pisngi . Sobrang natuwa naman si Donya Claudia dahil binigyan siya ni Mercedes ng mga bulaklak at may kasama pang mga chocolates. Natutuwa sa si Donyaa Claudia dahil ang bait ni Mercedes sa kaniya. "Mercedes, maraming salamat nag-abala ka pa. Mabuti ka pa binigyan mo ako ng bulaklak. Samantalang si Marcelo kahit isa

