"Marcelo, hindi ko kayang saktan si Rachelle. Hindi ko kayang saktan ang babaeng mahal mo. Kasalanan ko naman 'di ba? Kaya handa kong tanggapin ang mga masasakit na salitang ibabato niya sa 'kin." saad ni Mercedes. "Mercedes ako ang nasasaktan sa tuwing tinatago mo sa 'kin ang mga luha mo. Ako ang nasasaktan sa tuwing patago kang umiiyak. Mercedes gusto kitang protektahan laban kay Racelle pero naiipit ako sa sitwasyon. Dahil nangako ako sa kaniya na pakakasalan ko siya, naguguluhan na ako Mercedes nahihirapan akong magdesisyon dahil napamahal ka na sa akin. Hindi ko kayang pakawalan ka hindi ko kayang mawalay sa inyo ng anak natin.” Seryosong saad ni Marcelo. "Marcelo, umalis ka na! Iwanan mo na lang ako dahil kaya ko namang mag-isa. Piliin mo ang babaeng nagpapasaya sa 'yo. Umalis ka

