Just like what Geoffrey wants, Rosario Academy was coated with crimson. Blood was spilled everywhere. Dead bodies were laid on the concrete floor. The fight is still going on and both sides don't want to give up. Sinamantala naman ni Geoffrey ang pagkakataong libutin ang buong Rosario Academy para hanapin ang kayamanan. Inisa-isa niya ang bawat kwarto para maghanap ngunit madami-dami na rin siyang napatay na mga estudyante na nagtangkang sumugod sa kanya pero wala pa rin siyang nakikita. Nauubusan na siya ng pasensya. Gusto niyang maniwala na baka patibong lang ang journal na iyon pero malakas ang kutob niyang nasa Rosario Academy nga ang kayamanan. Napuntahan na niya ang lahat ng kwarto, library, cafeteria, clinic, gym at mga club rooms pero wala pa rin siyang nakikitang ni isang bakas

